Silipin ang naging masayang weekend sa bahay ni Regine Velasquez-Alcasid nitong Sabado, July 1, sa 'Sarap Diva.'
Isang wacky weekend ang ginanap sa bahay ni Regine Velasquez-Alcasid nang dinalaw siya nina Marriah (Crissy Marie Rendon), Nura (Teri Onor) at Velma (DJ Onse)
Nag-duet sina Regine at Marriah ng 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka.'
Naglaro ng famous lines ang mga guests ng Cooking Diva na sina Marriah, Nura, at Velma.
Naiyak sa katatawa si Regine sa kanyang mga bisita.
Umawit rin si Regine sa tulong ng kanilang musical director na si Raul Mitra.
Naghanda naman ng isaw with a twist si Regine, ang Stir-fried isaw with Kasuy toppings na sinamahan pa ng veggie salad.
Abangan sa susunod na Sabado ang isa na namang masayang kainan, kuwentuhan, at kantahan kasama si Regine Velasquez-Alcasid sa 'Sarap Diva.'