Showbiz News

Aiai Delas Alas joins Jennylyn Mercado in MMFF 2019 movie '3pol Trobol: Huli Ka Balbon'

By Jansen Ramos

Tampok si Comedy Queen Aiai Delas Alas sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na 3pol Trobol: Huli Ka Balbon, na pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Coco Martin.

Aiai Delas Alas and Jennylyn Mercado

READ: MMFF announces 'Magic 8' entries for 2019 season

Gagampanan ng 54-year-old actress ang papel bilang ina ng karakter ni Coco sa action-comedy film.

Ang rom-com film na My Bebe Love (2015) pa ang huling pelikula ni Aiai na nakapasok sa MMFF kaya labis ang kanyang excitement sa kanyang pagbabalik sa prestihiyosing film festival.

"Excited talaga 'ko kasi ngayon lang ulit ako magkakaron ng film fest ulit after so many years," sambit niya sa isang panayam noong presscon ng Feelennial na ginanap noong Hunyo.

IN PHOTOS: Aiai Delas Alas, Bayani Agbayani bring laughter at 'Feelennial' movie premiere

Ito ang unang pagkakataon na magkakasama sina Aiai, Jennylyn, at Coco sa isang pelikula.

Ang Kapamilya actor mismo ang nagdirek at nagprodyus ng 3pol Trobol: Huli Ka Balbon.

AIAI DELAS ALAS: No Laughing Matter