Showbiz News

EXCLUSIVE: Dingdong Dantes, hanga sa galing ni Jennylyn Mercado bilang Dr. Maxine sa DOTS Ph

By Cara Emmeline Garcia

“Wala akong masabi sa kagalingan sa pagganap ni Jennylyn.”

Dingdong Dantes

Iyan ang pambungad na sinabi ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes tungkol sa pagganap ni Jennylyn Mercado bilang leading lady nito sa Descendants of The Sun: The Philippine Adaptation.

Aniya sa GMANetwork.com, “Yan talaga 'yung expertise niya, 'yung ganitong genre.

“Parang madalas pinapanood ko na lang din siya 'pag may eksena siya. At minsan na-amaze na lang ako on how natural she is when it comes to being that kind of character na bubbly, very pleasant, and funny.”

Maalalang nakakailang taping na rin sina Dingdong and Jennylyn bilang ang beloved characters na sina Capt. Lucas Manalo aka “Big Boss” at Dr. Maxine dela Cruz ang love interest nito.

FIRST LOOK: Jennylyn Mercado starts taping for 'Descendants of the Sun' PH adaptation

Dagdag pa ng aktor, kakaiba raw ang kinaabangang serye sa mga dating proyekto niya noon.

“It's a very good mix, e. DOTS PH kasi is a mixed genre.

“I guess 'yun 'yung charm ng show kaya siya iniibig ng mga Filipinos nung ine-ere siya dito sa GMA and it still continues kasi nasa Netflix pa siya.

“Kung baga, the fan base continues to grow and I am one of them,” pagtapos nito.

Bukod kina Dingdong at Jennylyn, bahagi din ng cast sina Rocco Nacino, Jasmine Curtis-Smith, Paul Salas, Lucho Ayala, Jon Lucas, at marami pang iba.

READ: Dingdong Dantes seeks AFP's help for 'Descendants of the Sun' role

Dingdong Dantes to play 'Big Boss' in the Filipino adaptation of K-drama 'Descendants of the Sun'