
Nagpalitan ng maaanghang na salita ang magkapatid na Gretchen Barretto at Marjorie Barretto sa social media ngayong araw, October 18.
Ito ay kasunod ng mga balita tungkol sa diumano'y away na namagitan sa magkakapatid na Barretto sa burol ng kanilang yumaong amang si Miguel Barretto sa Heritage Memorial Park, Taguig City.
WATCH: Gretchen Barretto reunites with family at her father's wake
Matagal nang may hidwaan ang magkakapatid, ngunit tila hindi ito natuldukan sa muling pagsasama-sama nila.
Sa Instagram kanina, October 18, binasag ni Marjorie ang kanyang katahimikan para magbigay ng kanyang pahayag tungkol sa bagong kontrobesiya sa kanila.
"There are very disturbing news going around right now," panimula ng aktres sa kanyang Instagram post ngayong Biyernes, October 18.
"All these years, I have kept my peace and I always chose to ignore all the LIES that my sisters spread about me and my children.
"But nothing can get lower than this.
"Giving false statements to the press, and twisting stories about what really happened in my Father's wake is by far the most epic one.
"They have tried so hard over the years to destroy my name, I have nothing to lose anymore at this point.
"I love my family very much, they are my core."
Dagdag pa ni Marjorie, kung taos-puso ang pakikipag-ayos ni Greta, sana raw ay ginawa niya ito noong panahong nabubuhay pa ang kanilang ama, na ilang araw ring nasa ospital bago binawian ng buhay.
"I am all for reconciliation,” aniya.
"We were hoping for that all those 16 days that my Father was fighting for his life in the hospital.
"It would have been nice if she made her peace in the quiet of my Fathers room with no cameras.
"Don't be fooled by the statements of my sisters, they are leaving out a very important detail of what really caused pain and tension in the wake."
Marjorie Barretto pens heartfelt farewell to deceased father
Sa ngayon, hiling ni Marjorie na sana ay unawain muna ang sitwasyon ng kanilang pamilya habang sila ay nagluluksa.
Siniguro rin niyang magsasalita tungkol siya tungkol sa isyu pagkatapos mailibing ang kanilang ama.
"May I request everyone to allow our family to grieve, it's our last day with our Father today.
"Please hold your judgement and opinions until he is laid to rest, then WE WILL FOR THE FIRST TIME SPEAK THE WHOLE TRUTH AND NOTHING BUT THE TRUTH."
For whom is Claudine Barretto's latest IG post?
Humihingi rin ng panalangin si Marjorie sa gagawin niyang hakbang dahil maaaring malagay sa panganib ang kanyang buhay at buhay ng kanyang mga anak.
Ayon kay Marjorie, makapangyarihan ang "boyfriend" ni Gretchen, na hindi niya pinangalanan.
"I would like to ask for prayers too.
"Because when I speak the truth, my life and my children's life will be put in danger.
"My sister's boyfriend is powerful in a very bad way (and I don't mean Tony Boy).
"And in speaking the truth, I won't be able to leave his name out."
#Palaban: Controversial posts ng mga Barretto
Sa huling parte ng post, nagpasalamat si Marjorie kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pakikiramay nito sa kanilang pamilya.
Humingi rin ng paumanhin ang aktres sa pagkakadawit ng Pangulo sa hidwaan nilang magkakapatid.
Pahayag ni Marjorie, "And to our dear President Duterte, thank you for being there for the family and sharing in our grief.
"My apologies that your name was dragged into this.
Pagtatapos niya, "You were so kind to me. I will always be grateful."
Hindi naman nagpatinag si Gretchen sa naging pahayag ni Marjorie.
Bilang sagot, ibinahagi ng nakatatandang Barretto ang isang video na tila kuha sa burol ng kanilang ama.
Mapapansin na nagkukumpulan ang ilang mga di makikilalang tao at tila may kaunting komosyon.
Ayon kay Gretchen, “This video IS NOT FAKE NEWS AS BEING CLAIMED by Marjorie Baldivia Echiverrie.”
Kasama rin sa parehong post ang screenshot ng Instagram post ng kanyang kapatid na si Marjorie.
Binilugan din niya ang pahayag ni Marjorie na, "Please hold your judgement and opinions until he is laid to rest, then WE WILL FOR THE FIRST TIME SPEAK THE WHOLE TRUTH AND NOTHING BUT THE TRUTH."
Tugon ni Gretchen, “ITS A BITTERSWEET FEELING THAT YOU, truly for the first time speak the Truth, IN OTHER WORDS , I AM GRATEFUL for WE WILL ALL WAIT FOR THAT TIME.”
Nabanggit din niya ang umano'y napag-usapan nila ng kanyang inang si Inday Barretto.
Ani Gretchen, “FYI MY MOM SPOKE TO ME & ASSURED EVERYONE THAT SHE WILL TELL ALL REGARDING OUR FAMILY FEUD & THE DAY OF MY DADS BIRTHDAY & Who CAUSED MY FATHERS ATTACK.”
Hindi rin pinalagpas ni Gretchen ang pahayag ni Marjorie sa diumano'y kanyang “powerful boyfriend,” na maaaring magdulot ng kapahamakan sa kanyang pamilya kapag nagsalita siya ng katotohanan.
Sabi ni Gretchen, “AS TO MY BOYFRIEND WHO IS POWERFUL IN A BAD WAY ( like you say ) YES HE IS POWERFUL ( in a good way , Not bad as you claimed. Your boyfriend is also POWERFUL & certainly IN A VERY BAD WAY…”
Sa ngayon ay wala pang tugon si Marjorie sa pahayag ng kanyang nakatatandang kapatid.
Bukas ang GMANetwork.com sa anumang pahayag na nais iparating nina Gretchen at Marjorie tungkol sa isyung ito.