Showbiz News

'The Gift' star Alden Richards, huminto sa gitna ng runway para i-beso si Marian Rivera

By Aaron Brennt Eusebio

Muling rumampa si Asia's Multimedia Star Alden Richards para sa second drop sa kanyang Avel x Alden Athleisure Collection sa Manila Fashion Festival.

Alden Richards


Sa gitna ng pagrampa ni Alden, napatigil siya nang makita si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa audience.

Bumaba panandali si Alden sa runway para bumeso kay Marian.


Samantala, mapapansin na isa lang din ang color tone ng bagong Avel x Alden Athlesuire Collection.

Paliwanag ni Alden, "Kaya ito 'yung mga kulay na inilagay namin sa colab, this was 'yung mga kulay na unang nakita ni Avel post-operation."

Panoorin ang buong report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras: