Showbiz News

WATCH: Ano ang pinagseselosan ni Iya Villania kay Drew Arellano?

By Felix Ilaya

Bumida ang kuwento ni Iya Villania sa Tunay Na Buhay with Pia Arcangel.

Iya Villania and Drew Arellano

Dito, sumabak si Iya sa "Prangkahan" at tinanong ni Pia kung selosa ba siya pagdating sa asawa niyang si Drew Arellano.

Ani Iya, "Hindi pero minsan naghahanap lang ako ng dahilan. Parang gusto ko lang, feeling ko lang dapat magselos ako pero actually hindi."

"Kung magseselos ako, magseselos lang ako sa oras niya sa pagmo-motor," dagdag niya.


Kinuwento rin ni Iya ang kanyang singing career noon sa Australia bago pa niya i-pursue ang showbiz sa Pilipinas.


Isa pa sa mga napag-usapan nina Iya at Pia sa Tunay Na Buhay ay kung papaano nababalanse ni Iya ang pagiging isang nanay at TV host.


Napapanood si Iya every morning on Mars Pa More, tuwing weeknights naman ay lumalabas siya sa 24 Oras as the Chika Minute host.