advertisement
Showbiz News

LOOK: Chef Boy Logro, from dishwasher to Kusina Master

1 of 10

Chef Boy Logro

Nagsimula ​si​ Chef Pablo "Boy" Logro hindi bilang isang sikat na celebrity chef kung hindi isang dishwasher sa isang restaurant. Si Chef Boy ay nagtapos lamang ng elementarya ngunit hindi ito naging hadlang sa pagkamit ng kanyang mga pangarap.
 

2 of 10

Career

Isa sa mga dahilan ng kanyang pagsikat ay ang pagiging chef ng Sultan ng Oman. Nang bumalik si Chef Boy sa Pilipinas​ noong 1995, naging kauna-unahan siyang Pinoy executive chef sa isang 5-star hotel. Sunod naman siyang nakilala bilang isang celebrity chef sa GMA Network. 
 

3 of 10

C.L.I.C.K.S.

Naging matagumpay ang kanyang career kaya naman nakapagpatayo siya ng isang culinary school para sa mga nais ring maging chef tulad niya, ang C.L.I.C.K.S. o Chef Logro's Institute of Culinary and Kitchen Services.
 

advertisement
4 of 10

Food business

Nakapagpatayo rin ng ilang food business si Chef Boy Logro tulad ng Chef Logro's Grill and Buffet at 7 Flavors buffet restaurant.
 

5 of 10

Endorsements

Naging celebrity endorser rin si Chef Boy ng ilang mga food products.
 

6 of 10

Magazine covers

Nagkaroon​ rin​ ​ng magazine si Chef Boy.
 

advertisement
7 of 10

TV Shows

Bumida si Chef Boy sa ilang Kapuso shows tulad ng 'Kitchen Superstar', 'Chef Boy Logro: Kusina Master' at 'Tweets for my Sweet'. Kasalukuyan namang naghahandog ng kaalaman si Chef Boy sa kanyang Sunday show na 'Idol sa Kusina' kasama si Bettinna Carlos. 
 

8 of 10

Home

Mula sa kanyang pagsisikap, nakapagpundar rin ng magandang tahanan si Chef Boy sa Cavite.
 

9 of 10

Cooperative

Sa Instagram account ni Chef Boy, ibinahagi niya ang kanyang cooperative sa Laak, Compostela Valley.
 

advertisement
10 of 10

Chapel

Napabalita ring nagtayo ng chapel si Chef Boy sa Laak, Compostela Valley.