Showbiz News

New and orig compositions from Janno

May sorpresa si Janno Gibbs sa kanyang mga fans, lalung-lalo na sa mga sumusubaybay sa kanyang singing career—ang Orig. Janno’s ninth and newest album to date contains eleven songs composed by the King of Soul himself. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio. Sa shoot ng pinakabagong music video ni Janno Gibbs, nagpaunlak siya sa isang exclusive interview with iGMA. Talaga namang proud ang singer/comedian sa kanyang latest album dahil lahat ng tracks dito ay original at siya mismo ang nag-compose.
“Kasi nga, na-notice ko na karamihan ng solo artists parang lahat revival album—'di ba, lahat? So feeling ko nagawa na lahat, parang na-exhaust na lahat ng songs na pwedeng i-revive, 'di ba? So 'yun,” paliwanag ni Janno sa amin kung bakit gusto niyang puro original compositions lahat ang laman ng album. Kasama sa mga tracks ng Orig ang mga theme songs na pinasikat ng two prime time shows, ang Codename: Asero at ang Gagambino. He also has a duet with Kyla entitled "Ang Aking Puso." The album is initially available on a limited edition secure digital album format, actually a mini-SD with 2GB capacity, that retails for Php299. Puwede ring i-download ang songs sa mga selected Wellcom, Laptopzone, MP3 King, at MP3 Express stores nationwide. Aside from his teleserye theme songs, ang carrier single ng album entitled "Igiling" ay siguradong magiging hit dahil sa upbeat at Latin-inspired sound nito. “Kasi ano, sa SOP 'di ba and sa mga live shows, ako lagi ang pinapakanta ng mga Ricky Martin songs and it seems to work. At saka enjoy ako, enjoy akong kantahin ito. So sabi ko, why not make my own na parang ala Ricky Martin?” kuwento ni Janno habang nagpre-prepare para sa shoot ng music video ng nasabing kanta. But he reassured us na iba-ibang sound ang maririnig natin sa album: “Sa whole album, wala nang katunog ito[ng song na ito]. Iba na ‘yung sound nung iba.” Pero sabi ni Janno na "Igiling" is definitely one of his favorite songs sa album. “Eto [ang] lagi kong pinapakinggan talaga eh, sa bahay. Fun siya eh, 'di ba, it’s a fun song?” Tanong sa amin ni Janno sabay nag-sample gamely ng ilang lines from the song. Truly, Janno has given his fans a real treat, dahil after two years of waiting, may bago siyang album with 11 fresh and original songs for everybody to enjoy. Congratulate Janno Gibbs on his newest album! Log on to iGMA forums or you can text him through his Fanatxt service. Text JANNO and send to 4627. (Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers). (This service is available only in the Philippines.)