Showbiz News

The dark side of Paolo Contis: Sagad sa buto

Paolo Contis continues to wreak havoc in the lives of Dingdong and Marian sa prime time series na 'Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.' Playing the main kontrabida in the story, sagad sa buto ang kasamaan ni Paolo Contis dito. Text by Loretta G. Ramirez. Photos courtesy of GMA Network. Paolo Contis plays Rado in Carlo J. Caparas's Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. The main antagonist of the story, hindi na iba kay Paolo ang maging masama, since ilang beses na rin siyang naging kontrabida sa iba niyang projects and shows. Pero this time around, Paolo admits na walang kasing-sama ang character na ginagampanan niya. "It is very very dark, unlike 'yung iba na medyo subtle lang," kuwento ni Paolo sa amin during an exclusive iGMA interview. "Eto, parang ang gusto nila sobrang underground. Drug dealer, gun runner, ako 'yung leader ng syndicate na kinabibilangan ni Marian Rivera. Ako rin 'yung main villain ni Dingdong Dantes."
Idinagdag pa niya na although may kapansanan 'yung character niya, he compensates for this disability by being more evil and cruel sa kanyang mga kalaban. "Pilot pa lang ang dami ko nang pinatay, eh. I am a ruthless killer. Even family members pinapatay ko kasi gusto kong masolo 'yung business and may mga gusto akong pasukin na mas masasama. Doon iikot 'yung kwento at dun sa set-up na si Marian wants out of the group," ayon sa aktor. Nang dahil ditto, tanggap na niya na medyo late na 'yung timeslot na ibinigay for their show: "Medyo late na ipinapalabas kasi medyo ayaw naming alagaan masyado 'yung viewers. Ayaw naming malimitahan kami sa mga puwede naming gawin. It's very dark, parang Babangon Ako't Dudurugin Kita at La Vendetta." Although napapansin ng mga critics ang galing ni Paolo sa mga kontrabida roles, ipinahayag niya na hindi naman siya worried na ma-typecast as a kontrabida. "Masaya siyang gawin, plus hindi naman ako nalilimitahan masyado. Sabi ko nga, GMA is giving me a lot of opportunities. May hosting jobs—bihira rin 'yun—magkokontrabida ako sa gabi, sa weekend naman nag-hohost ako ng My Dad Is Better Than Your Dad. So thankful ako na kahit papaano nagagawa ko pa rin ['yung ibang bagay]. Nakakapag-comedy din ako sa Bubble Gang," paliwanag ni Paolo sa amin. Watch Paolo Contis' dark side in Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, weeknights right after Totoy Bato sa GMA prime time Telebabad block. Talk about this topic sa iGMA forums.