Showbiz News

Ruru Madrid, masaya sa pagtitiwala ni Jasmine Curtis-Smith sa 'Cara X Jagger'

By Marah Ruiz

Aminado si Kapuso actor Ruru Madrid na may kaba at hiya siya nang unang makatrabaho ang kapawa aktres na si Jasmine Curtis-Smith.

Ruru Madrid


Magkatambal kasi ang dalawa sa upcoming film na Cara X Jagger mula sa APT Entertainment at Cignal Enterntainment.

Biglang paghahanda sa kanilang pelikula, sumabak ang dalawa sa workshop para ma-develop ang kanilang on-screen chemistry.

"At first, sobrang nahihiya ako kay Jasmine. Sobrang kabado akong makaharap siya kasi sobrang fan niya ko dahil sa mga ginagawa niyang mga projects. Pero noong time na sinabi sa akin ng facilitator na mag-sweet-sweet-an kayo, bigla na lang nag-trust siya sa'kin. Binigay niya sa akin 'yung trust niya," kuwento ni Ruru sa press conference ng Cara X Jagger.

Dito daw siya nagkaroon ng confidence na ibigay din ang tiwala niya sa aktres.

"Noong ginawa niya 'yun, sabi ko sa sarili ko, bakit pa ko mahihiya sa kanya. Ang ginawa ko, tinaggap ko lang 'yung trust niya at nagtiwala din ako sa kanya. I think 'yun din 'yung sikreto dahil kaming dalawa sobrang pinagkakatiwalaan namin 'yung isa't isa," pahayag niya.

Sa Cara X Jagger, gaganap si Ruru bilang si Jagger, ang binatang nawalan ng mga alaala dahil sa aksidente. Samantala, si Jasmine naman ay si Cara, dati niyang nobya na nakakaalala ng lahat.

Sa pakiusap ng pamilya ng binata, babalik si Cara sa buhay ni Jagger para tulungan itong maibalik ang kanyang mga alaala.

Bukod kina Ruru at Jasmine, tampok din sa pelikula sina Michelle Dee, Sophie Albert, Gabby Padilla, Kenneth Medrano, Dante Rivero, Dino Pastrano at Miko Raval.

Mapapanood ang Cara X Jagger simula November 6 sa mga sinehan nationwide.