Showbiz News

Prince ng Sariling Unit

Bigatin na si Prince Stefan! After moving up to become the third party sa Aljur-Kris romance noong "Luna Mystika," this time around he's playing second lead to Dingdong and Marian! At ano ang masasabi ni Prince sa kanyang new status? Let's find out. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. "Feeling ko may sarili kaming show," natatawang pahayag ni Prince Stefan nang tanungin namin about his Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang storylines. "Kasi meron kaming sariling unit, [ang] Unit 2. Ang artista doon, ako lang talaga [at] saka si Lovi Poe. Feeling ko tuloy, sikat ako kasi may sarili [kaming] unit."
Prince shares na marami-rami na siyang natututunan sa current show niya lalo pa't napaka-close knit ng kanilang unit. "Kami-kami lang [kasi]; si [direk] Topel Lee, 'yung mga staff, 'yung Associate Producer -- parang isang family kami." Kwento niya rin na minsan, after their taping, nanlilibre pa either si Lovi ng ice cream, or siya ng pizza. Marian Rivera and Dingdong Dantes, the lead stars of the show, are in the first unit. So far, wala pang nagiging eksena, or nakukunang eksena si Prince with the two lead stars. "Sana," wish ni Prince, before the series ends ay magkaroon man lang sila ng isang eksena. Isa sa mga pinasasalamatan ni Prince sa soap na ito ay ang chance na makatrabaho ang mga batikang aktres tulad nina Carmi Martin at Sherilyn Reyes. At sa mga kwento ni Prince, talagang manghang-mangha siya sa galing na laging ipinakikita ni Miss Carmi. "May eksena kami ni Miss Carmi na sinampal niya ako," Prince shares during the pocket interview. Nahirapan daw siya sa eksenang ito, hindi dahil sa hindi niya kayang sumabay, but rather because "[she] reminds me of my mother." Sa mga hindi nakakaalam, Prince was a battered child, before he was sent to live with his mother’s relatives nung kabataan niya. "Ganoon na ganoon kasi mama ko e," Prince tells us, saying na pareho ng ayos at tindig ang mom niya sa character na ginagampanan ni Miss Carmi. "’Pag mag-acting si Miss Carmi, parang ayaw kong tingnan 'yung mata niya." Pero hindi naman ito nagiging hadlang sa kanya. "Dahil nasa acting tayo, kailangan ko pa rin mag-communicate sa kanya," he says and adds "Okay naman si Miss Carmi; after ng eksena na ginawa namin, magkasama na ulit kami." It's only during their scenes na kinakabahan si Prince kay Miss Carmi. "Ganoon talaga, ‘pag batikang artist ka, 'di ba? Trabaho-trabaho talaga." Kwento niya pa, natutuwa raw siya sa pagiging perfectionist ng veteran actress. "Ang nagustuhan ko sa kanya, pina-ka-cut niya talaga [ang eksena pag] nakukulangan siya." A second take While Prince has no intention of asking a re-take in his scenes since he’s stil a newbie, he admits admiring artists na kayang sabihin na kulang ang ginawa nila, at humihingi ng second take to improve more.
Bilib siya sa kakayahan ng Unit 2 director na si Topel Lee para maipalabas ang mga emosyon na dapat niyang ilabas, gaya na lang ng takot. "Ginawa naming horror [ang show]," he laughs. "May eksena kami doon na si Miss Carmi Martin, pinasok namin sa loob ng cabinet." After a pause, he continues, "Naniniwala ba kayo? Biro lang." But there is one scene na gustong makunan ni Prince. Dahil nga hindi pa siya nagkakaroon ng eksena with Dingdong, who plays his brother Homer, gusto niya sanang magkaroon ng chance 'yung characters nila na magkaroon ng discussion tungkol sa mga plano nila sa buhay nila. After all, they do kind of mirror each other's circumstances, chasing after women they love. "Gusto ko dumating 'yung part na bibigyan ako ng [crying scene]. Doon ako magaling, sa iyak." Prince is proud of the fact na mabilis siyang umiyak. "Hindi ba sa Magdusa Ka, lagi akong pinaiiyak ni Miss Redgynn (Alba, Program Manager)?" So he hopes he gets to show the same with Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. "Alam mo ba [halos] lahat ng project ko si Miss Redgynn?" You know what else Prince wishes for? Maging part ng binubuong cast ng Rosalinda! "Gusto ko ako si Beto," he reveals. Mukhang nahanap na nga ni Prince ang gusto niyang niche sa showbiz – ang maging dramatic actor. Marami ka pang pwedeng malaman about Prince with the help of Fanatxt. Just text PRINCE and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.) And siyempre, huwag kaligtaang panoorin siya sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, gabi-gabi sa GMA Telebabad.