Showbiz News

Marian Rivera feels thankful for Star Awards win

By Bianca Geli

Nagpasalamat si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera para sa kanyang TV Queen at the Turn of the Millennium award mula sa PMPC Star Awards.

Malaki raw ang pasasalamat ni Marian sa GMA Network dahil sa magagandang proyektong ibinibigay sa kanya at sa PMPC Star Awards sa gantimpala.

WATCH: Kapuso leading ladies, tinanghal na TV Queen at the Turn of the Millennium sa PMPC

“Honored to be a TV queen at the turn of the millenium awardee,” ani ni Marian sa Instagram.

“Thank you so much Star Awards for this recognition. Maraming salamat din sa @gmanetwork sa pagbibigay sa akin ng magagandang proyekto.

“At higit sa lahat sa mga walang sawang sumusupporta sa akin. You keep on inspiring me to do better.”

Kabilang din na itinanghal bilang TV Queen at the Turn of the Millennium ang Kapuso leading ladies na sina Heart Evangelista, Jennylyn Mercado, Carla Abellana, at Sunshine Dizon sa PMPC Star Awards for TV na ginanap noong October 13.

Kasalukuyang host si Marian ng weekly drama anthology na Tadhana at weekend variety show na Sunday PinaSaya