Showbiz News

WATCH: Janine Gutierrez at ilang Kapuso celebrities, nag-transform sa iba't ibang characters ngayong Halloween

By Aaron Brennt Eusebio

Hindi pinalampas ng ilang Kapuso celebrities tulad nina Maine Mendoza at Janine Gutierrez ang pagkakataon upang mag-transform bilang kani-kanilang mga idolo ngayong Halloween.

Janine Gutierrez and Maine Mendoza


Nag-transform bilang si Maleficent Angelina Jolie si Janine samantalang si Selena Quintanilla naman si Maine.

Hindi rin nagpahuli ang celebrity couples na sina Glaiza De Castro at David Rainey, at Kelsey Merritt at Conor Dwyer.

Ginaya nina Kelsey at David ang larawan ng mga mang-aawit na sina Cher at Elton John, samantalang Harley Quinn at Joker naman ang peg nina Glaiza at David.

Hindi rin nagpahuli ang ilang celebrity babies katulad ng magkapatid na Zia at Ziggy Dantes, at Primo at Leon Arellano.

Tingnan kung anu-ano ang kanilang Halloween costumes sa report ni Cata Tibayan sa 24 Oras: