Showbiz News

Rhian Ramos: From Lola to Lolita

Isa na namang plum role ang ginagampanan ng talented young actress na si Rhian Ramos, and she is very happy for the breaks she is getting. Kumustahin natin ang transition niya from playing a man trapped in a woman's body to a young girl striving for independence in more ways than one. Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio.
"Masaya and I'm happy to be back, working right away," banggit sa amin ni Rhian Ramos nang maabutan namin sa set ng kanyang bagong prime time show, Zorro. "Pagkatapos ng LaLola, trabaho kaagad, so—I love my job. So masaya ako na medyo busy ulit." Speaking of LaLola, Rhian acknowledges that her playing the lead role of Lola may have helped her land the part of Lolita in Zorro. Kanyang in-explain, "Yeah, LaLola opened a lot of avenues for me, so I'm very grateful to that show for so many things and dahil sa show na 'yon parang hindi na ako tinypecast na maging isang klaseng role lang. Pero ngayon, binibigyan na ako ng chances sa iba't-ibang klaseng roles." At gaano nga ba kakaiba ang role niya dito? Rhian describes Lolita as a rebellious daughter to upstart parents, played by Leo Martinez and Pinky Marquez ."'Yung role ko dito parang pasaway na anak, ganon, kasi ano, may mga gusto sila na gawin ko, 'yun lang. Parang hindi masaya 'yung puso ko na gawin 'yon kasi gusto nila na magpakasal ako sa isang mayaman na lalaki kasi medyo naghihirap ng konti 'yung family namin," paliwanag niya tungkol sa pagkatao ni Lolita. "Gusto ko naman magka-asawa na mamahalin ko talaga. [For Lolita], for love talaga 'yung marriage. So 'yun naman 'yung pinaka-problem ng character ko. Parang sakal na sakal siya sa family niya kasi parang lahat ng kailangan ng family niya, 'yung mga dreams nila, nasa kanya nakasalalay. So 'yung ginawa naman ng character ko ay, one day naglayas siya, kailangan na niyang ma-feel 'yung freedom niya," patuloy na kuwento ni Rhian.
And as for comparing her current character to what she has portrayed previously, isang welcome progression ito para sa kanyang acting abilities: "Well, lahat naman talaga ng characters may conflict. So far naman, lahat naman ng characters ko hindi naman talaga naging pare-pareho 'yung conflict nila. So I'm used to putting myself in different situations already. The thing naman that excites me about this is usually kasi I'll either play a character who's medyo dependent sa lalaki and hindi niya ma-defend 'yung sarili niya." And then came LaLola. Rhian continues, "'Yung LaLola , 'yung difference noon naman is, oo, palaban [ako] pero lalaki siya on the inside—palaban in a guy way. Pero this time kasi, what I love about this character is, she's such a strong feminine figure. 'Yung parang girl na girl pero strong woman. Parang 'yun 'yung nakikita ko sa kanya the most, 'yung parang may gusto siya, she'll go for it." Maging updated sa mga episode ng Zorro straight from Rhian herself!Text RHIAN [Your Message] Send to 4627 for all networks. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, TM, Smart, and Talk 'N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. This service is only available in the Philippines. Gusto din ninyong malaman at pagusapan kung ano ang pinakabagong balita kay Rhian? Just log on to to the iGMAForums! Not yet a member? Register here!