Showbiz News

Eugene Domingo shares laughs and lessons

From a Koreanovela comedy to Pinoy komiks, alam na alam ni Eugene Domingo kung paano hanapin ang kiliti ng mga manonood. Pero bakit after 'Ako si Kim Samsoon', ngayon lang ulit lumabas si Eugene sa isa na namang prime time soap? Bakit hindi natin alamin? Text by Jason John S. Lim. Photo by Mitch S. Mauricio. "Si Ate Uge, may sariling script pagkatapos ng eksena. Talagang wala—windang ka sa kanya," a self-confessed Eugene Domingo fan, Sherilyn Reyes says. She is all praises para sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang co-star niya. "Ay nako, ang galing niya talaga."
And who wouldn't be impressed with this comedienne, 'di ba? With her numerous commercials, movies and last year's runaway hit Ako si Kim Samsoon, napatunayan ni Eugene na there's no one else who can do her brand of comedy. Pero bakit ngayon lang siya ulit nagbabalik sa prime time programming ng GMA? "Kasi, alam mo, nakakapagod mag-soap," explains Eugene. Not to get her wrong, "napakasarap" din daw ang magkaroon ng soap, "dahil nga nakakabuo ka ng friendship at dire-diretso ang pasok ng kita. Practical lang naman ako, 'di ba?" But, she says, "Nakakapagod siya; tsaka taling-tali ka for the whole week. Eh ako, bilang artista tsaka bilang tao, after finishing a project na binigay mo naman lahat—puso mo, lahat-lahat, oras mo—gusto ko iba naman 'yung gagawin ko." Eugene says na suwerteng-suwerte na ang feeling niya just to have one soap a year. Pero she also wants to do other things after playing the same character ng tuloy-tuloy: "Gusto ko naman mag-shooting [ng movie], gusto ko namang umalis ng bansa—marami pa akong gustong gawin." So bakit niya na napili ang Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang to be her second GMA soap? "Kasi si Direk Joyce [Bernal], 'di ba?" Eugene answers matter-of-factly. "First time ko siyang makakasama dito sa GMA, si Marian [Rivera], tsaka si Dingdong [Dantes]—eh balita ko parang last na nila yatang magkasama together—eh napakasisipag! "'Yun ang maganda—walang aberya; 'yun lang naman," Eugene says. And aside from the tension-free set, she enjoys working with people who are professional with what they do. "Makukulit sila, pero pagkatrabaho na—game [sila]." Sabi nga ni Eugene, ultimo si Alyssa Alano, nakatutuwaan niya: "Isa pa 'yun!" Eugene exclaims with a laugh. "Panalo 'yun sa subaybay sa breakdown [ng scenes]. Ang sisipag; game na game." Sa course ng interview, natanong namin si Eugene kung ano ang masasabi niya't talaga namang lumulutang ang comic timing ng mga tao whenever with her. Ang sagot niya, "Alam mo, meron naman talaga sila. "Mahilig kasi ako sa 'Ganito gawin natin', 'yung ganoon? 'Yung, 'Let's talk abou the scene.' 'Wag [dapat] tayong magsarili, 'wag tayong selfish. 'Yung pa-shine-in mo rin 'yung [ka-eksena mo]. Kasi ganoon ako pinalaki." Eugene shares na nung nagsisimula pa lang siya noon, "'Yung mga nakatrabaho kong seniors, hindi rin selfish. Like Miss Gloria Romero, Miss Maricel Soriano—they were never selfish. Napakasuwerte ko. So kung ano 'yung natutunan ko sa mga seniors ko, ganoon din ako sa mga junior—na ang eksena hindi magwo-work kung wala kayong rapport ng kasama mo." And known for her comic antics, Eugene says she loves to make people on the set laugh: "'Di ba? Magseseryoso ka pa ba, puyat na nga kayo?" She adds na important ang mga characters na tulad ng sa kanya dahil "Dramang-drama na nga 'yung [soap], kailangan balanse—always balanced. Lahat." Kaya naman sa mga susunod na episodes ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, Eugene is looking out for more comic scenes to balance the really hardcore drama ones. Pero meron din siyang request para sa character niya. "Kung ako ang magsusulat, gusto ko sana maintindihan ni Madel kung saan ang pinanggagalingan ni Proserfina (Marian). Kasi kung mahal na mahal ni Madel [si Homer], bilang siya na ang nagpalaki [dito], at mahal ni Homer si Proserfina—sana siya na 'yung maging tagapagtanggol," Eugene says. And with everyone getting angry at Proserfina and Homer, she hopes na siya na 'yung maging tulay sa eventual na pagkakabati-bati ng lahat. "Para, again, my favorite word—balanse." Looking forward, Eugene says nahihiwagaan pa ang character niyang si Madel kay Proserfina. "So ang pinakaabangan ko diyan, mahalin ng tao si Proserfina dahil biktima rin siya. 'Yun ang kaabang-abang doon." At aabangan natin 'yan. Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang airs every weeknight, part of GMA Telebabad, pagkatapos ng Totoy Bato na likha rin ni Carlo J. Caparas. You can also catch Eugene sa Biyaheng Lupa soon in the independent cinema circuit—and every Saturday night sa Cool Center: Hello, it's Me!