Sa first ever episode ng 'Superstar Duets,' natunghayan nating lahat ang apat na performances na puno ng biritan at tawanan! Silipin ang ilan sa mga highlights ng performances nina Pekto, Denise Barbacena, Rita Daniela, at Osang.
Unang sumalang ang komedyanteng si Pekto at kasama niya si Seeyah Later! Inawit nilang dalawa ang "Chandelier" at ginulat ni Pekto ang lahat sa kaniyang pag-birit.
'Super Bass' naman ang kinanta at pinerform ni Denise Barbacena.
Ang ka-duet ay walang iba kung 'di si Nikki Balaj!
Engrande ang sexy and sultry performance nina Rita Daniela at Ariana Venti ng pop hit na "Break Free."
Osang rocked out to "Baby" alongside Justin Tatlong Bibe.
Kinamusta naman ni Jennylyn Mercado ang dalawa matapos ang kanilang head-banging performance.
Top-notch Judges Allan K, Christian Bautista, and Aicelle Santos had a hard time deliberating but they have to decide on a top group and a bottom group.
Denise is happy to come out on top alongside Osang!
'Di man kita ang mukha ni Seeyah Later, dismayado siyang makita na ang partner niya na si Pekto at si Rita ay in danger of being eliminated in the next episode.