Showbiz News

WATCH: Julie Anne San Jose, honored maging nominado sa 2019 Asian Television Awards

By Cara Emmeline Garcia

Isang malaking karangalan para kay Asia's Pop Diva Julie Anne San Jose na maging nominado bilang Best Actress in a Leading Role sa 2019 Asian Television Awards.

Julie Anne San Jose

Nominado ang aktres sa kanyang pagganap bilang boses ni Vicky sa Barangay 143, ang kauna-unahang Pinoy anime na ipinalabas sa GMA-7.

“Malaking bagay rin po 'yung ma-nominate ka sa isang award-giving body.

“Kung baga bonus na lang if ever manalo,” pahayag ni Julie kay Nelson Canlas.

Maliban kay Julie, nominado rin ang Barangay 143 bilang Best 2D Animated Programme, Best DirectioN (Fiction), at Best Theme Song para sa mga kantang “Alanganin,” “Para Sa Isa't Isa,” “Dito Sa Baranggay 143,” at “Liga ng Buhay.”


Kasama rin sa mga nominado ay si The Gift star Martin del Rosario bilang Best Leading Male Performance under the Digital Category.

Kinikilala ang aktor sa kanyang pagganap bilang si Barbs sa pelikulang “Born Beautiful.”


GMA Network leads Philippines' nominations at Asian Television Awards 2019

LOOK: Julie Anne San Jose meets Viber CEO Djamel Agaoua