Showbiz News

Sandy Andolong playing the secretive Nana Maria

Sa 'Zorro,' siya si Nana Maria, ang kindly na servant ng mga Pelaez. At nalaman namin kay Ms. Sandy Andolong na marami palang sikreto ang nililihim ni Nana Maria. Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio. "Natutuwa ako dahil nga iba naman, hindi na ako kontrabida. Ang role ko dito, ako si Nana Maria na ang babaeng nagpalaki kay Zorro, kay Richard (Gutierrez)," banggit ni Ms. Sandy Andolong. She also tells us about her character when we recently visited her in the set of Zorro in Bataan: "Ako ang nakakaalam ng sikreto ng kanyang buhay at ng mga buhay ng iba pang characters dito. Iyon ang role ko—mabait, mapagmahal tapos mahirap, maikukuwento ko 'yung buong storya eh, kapag nagsalita pa ko about dun sa character. Basta ganon, ina rin ako ni Michelle (Madrigal) dito, si Juana, at ang rebel na si Agustin (played by Bodie Cruz). Isa akong Indio." Kamusta naman at balik-bait siya dito after her effective performance in playing the hateful Gloria Cervantes in Gaano Kadalas ang Minsan? Sandy enthuses, "Naku it's nice, iba naman. Kasi siyempre ang dami ring mga tagapanood lalo na sa mga probinsiya, involved sila emotionally, pagka kontrabida role mo, parang ang tingin nila sayo ang sama-sama mo, 'yung ganon." At isa pang proof na medyo mas maganda para sa kanya ang ganitong role, ay hindi lang dahil ito pivotal sa istorya ni Zorro, kundi pati na rin sa mga suot niya na costume. Sandy reveals, "Pero sarap na sarap ako, lalo na sa costume kasi simple lang ang costume namin dito nila Michelle, eh. Iisa lang tapos hindi kasing init ng mga suot nitong mga donya at mga senyora na ito na patung-patong na petticoat, 'yung ganon," kuwento niya. Likewise, dahil sa all-star cast at pati na rin sa realistic location ng taping, siya ay very happy: "Nakakatuwa dahil napakalaking produksyon, napakalaki talaga, at napakaganda ng location namin. Something really to look forward to tsaka, [it's really] worth watching." Tinanong din namin kung kamusta naman working with the lead actor ng Zorro, as this would be her first time to work with him. "Nakikita mo kasi kay Richard 'yung determination niya to good eh, to do well in his craft. Siya 'yung parang aktor na hindi titigil sa pag-aaral bawat project, eh, which is good and should be the case with any actor," sagot niya. Then, she also observed that Richard still has some apprehension left in him, which, for her is necessary: "Malaking bagay 'yung ano eh, I think it's very healthy 'pag tuwing meron kang nakukuhang role, may konting nerbyos. You should never be overconfident. Maganda ang nerbyos eh, nagagamit mo." Ms. Sandy Adolong has indeed proven her talent, time and time again, and her role in Zorro is just another notch to her already illustrious career. She invites everyone to watch: "Ay naku, abangan [at palagi] ninyong [panoorin] ang Zorro. Napakagandang telenovela, makulay at maraming mahuhusay na artista na kasali rito. Abangan ninyo po [palagi ang] Zorro." Maging bahagi ng pakikipag-sapalaran sa Zorro, weekdays sa GMA Telebabad! Share your views sa pinaka-hottest issues sa showbiz by logging on to the iGMAForums! Not yet a member? Register here!