Showbiz News

GMA Christmas Station ID 2019: #LoveShines, trending sa Twitter at nakatanggap ng papuri mula sa netizens

By Maine Aquino

Naging trending topic ang "#LoveShines" sa Twitter, ang makahulugang tema ng Christmas Station ID ng Kapuso Network ngayong Kapaskuhan.

Umani rin ng papuri mula sa netizens ang #LoveShines matapos nitong maipalabas sa TV ilang minuto pagkatapos ng The Clash.

Ngayong 2019, ang tema ay mga kuwento na punong-puno ng pagmamahal at pag-asa. Nakasama sa Christmas Station ID ay ang mga Kapuso personalities tulad nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Jessica Soho, Mike Enriquez, Mel Tiangco, Vic Sotto, at marami pang iba.

Tampok rito ang mga istoryang pumukaw sa puso ng bawat Pilipino sa bawat sulok ng mundo tulad ng “Karga ni Nanay,” “Vegetable Vendors ng Baseco,” at “Pangarap ni Ineng."

Ayon sa mga netizen, naantig sila sa ginawa ng mga Kapuso stars sa Christmas Station ID.

Makikanta sa Christmas Station ID ng GMA Network: