Showbiz News

Mark Anthony is where he belongs

It's all about Mark Anthony! iGMA finds out how he's coping with his "All About Eve" character, what other Korean telenovela he wants to work on, and why he's suddenly so fit! Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. Isang napaka-candid na Mark Anthony Fernandez ang naabutan namin last April 2 sa set ng All About Eve. Umuulan man sa labas, Mark Anthony flashed his sunshiny smile nang harapin niya ang iGMA kasama ang ilan pang members of the press. Kapansin-pansin ang mas fit na body ng actor. Kanyang inamin na nagwo-work out siya pero hindi pa daw malaki ang katawan niya. And dahil nga ito sa mga topless scenes niya. "Nakakahiya naman," sabi niya kung hindi niya pagandahin ang katawan niya. "Kahit naman hindi ganoon kalakihan 'yung katawan ko, natutuwa naman 'yung manunuod. Kahit papaano pwedeng ipakita," he adds with a laugh. And show it he did. Kamusta nga ba ang naging shoot ng All About Eve sa Singapore at sa cruise ship where viewers saw his efforts at working out pay off? "Pinag-aralan namin yung script nang husto bago pumunta doon," Mark Anthony reveals. Kaya daw nung dumating sila sa cruise ship, "ipapakita lang sa ‘min yung gagawin namin tapos roll cam na." Hindi nga naman kasi sila pwedeng mag-multiple takes habang nakasakay sa cruise. At 'di syempre, nakatulong din ang ganda ng working chemistry nila ni Iza Calzado. Saan nga ba nanggaling ang chemistry na 'yan?" The Mark-Iza chemistry "Sa tingin ko sa director namin yan," he says humbly. Having worked with Gil Tejada for Impostora and then again in Luna Mystika, he says of the director, "Magaling siya mag-guide [at] saka magaling siyang mag-motivate -- 'yung hindi ka dehado." And this being his second drama series with Iza, we had to ask kung mas madali ba ang eksena nila ngayon. "Nangangapa pa 'ko noon," he admits. "Ngayon nakakakuha kami ng scene na one take lang, two takes." Does this mean na napagseselos na nila ang misis ni Mark Anthony? The actor says hindi naman daw nagseselos ang misis niyang si Melissa. Sabi niya, fan daw nina Iza at Sunshine Dizon ang misis niya. In fact, regular nga daw itong nanunuod ng All About Eve. "Minsan sa kanya nga ako nagpapakwento kung ano [ang] nangyari." The actor explains na hindi daw niya pinapanood ang show to prevent himself from copying his co-actors' acting. Ayaw daw niya kasing magmukhang magkakakilala na sila when they're just about to meet sa soap. "Pinapa-kuwento ko na lang para at least may element of surprise, 'di ba? Hindi parang alam ko na [ang mga nangyari]." Minsan nga daw ay si Melissa pa ang nauunang magbasa ng script kesa sa kanya! "Pina-pakuwento ko na lang [sa kanya]," nakangiti niyang dagdag. So meron ba siyang pwedeng ikuwento rin sa amin na dapat abangan? "Abangan nila 'yung si Kenneth pala [ay] hindi basta rocker, hindi siya basta Bohemian, isa pala siyang bossing," he says. Since returning to GMA through Impostora back in 2007, sunud-sunod na ang naging proyekto ni Mark Anthony sa network. Mark Anthony attributes this to signing as an exclusive talent GMA, even adding, "I am where I belong." Mukha nga namang he really is where he belongs. According to one of the writers who also interviewed him that day, may napipisil nang susunod na project si Mark Anthony pagkatapos ng All About Eve. After much prodding, Mark Anthony revealed a secret. "Nung una, 'yung All About Eve, akala ko Stairway to Heaven." He confesses na pinapanood niya 'yung Stairway to Heaven back when it was airing sa GMA. Because both series dealt with reporters, napagkamalan niyang iisa lang ang dalawang shows. "So talagang kilig na kilig ako, pero okay din pala ito." Though, he adds about Stairway to Heaven, "kung meron man akong dream project -- doon sana mapasali ako." He laughingly adds, "kahit kasali na lang." Tingnan natin kung makukuha ni Mark Anthony ang wish niya. Pero for now, catch him every weeknight sa All About Eve pagkatapos ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.