Showbiz News

EXCLUSIVE: Dingdong Dantes, honored na maging parte ng GMA Christmas Station ID taon-taon

By Cara Emmeline Garcia

Sa Christmas Station ID ng GMA ngayong 2019, iba't ibang istorya ang ipinakita na tunay namang nakaka-inspire sa bawat Pilipino.

Kaya naman para kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, isang malaking karangalan na maging parte ng annual shoot tuwing Pasko.

Kuwento niya sa GMANetwork.com, “Nakakatuwa kasi dito sa ginagawa namin every year, GMA always finds a way to make each year special.

“Iba-iba 'yung tema, pero more so, iba-ibang tao at puso ang fini-feature sa shoot and it's definitely unique and special.

“That's why I like being part of this. For example, very inspiring 'yung kuwento ni Daddy 'Tonio at ni Andrew and I'm sure marami rami ring kuwento pa ang ifi-feature ngayong taon.”

Nakasama ni Dingdong si Tatay Antonio at ang anak nitong si Andrew.

Nakilala ang dalawa nang sumali si Andrew sa hit variety show na Wowowin kung saan proud na proud na ipinakilala ng anak ang ama na isang basurero.

#LoveShines: BTS photos of the 2019 GMA Christmas Station ID shoot

Aminado rin ang Kapuso Primetime King na natuwa siya sa bagong kanta ng GMA na pinamagatang “Love Shines.”

Aniya, “It's for everyone -- Christmas.

“Buong mundo, lahat ng tao, it cuts across race, religion, hindi ba? It's a feeling eh.

“Bukod sa ito ay isang biblical celebration, ito rin ay isang pakiramdam na pwede nating ipasa sa isa't isa sa buong mundo.

“Kaya tingnan mo 'yung manner at 'yung melody ng song, it's very positive, very upbeat, very inspiring. Habang binibigkas at inaawit mo siya, nakangiti ka kasi while you're singing it parang 'yung feeling na 'yun nasa iyo at ipinapasa mo sa iba.”

Panoorin ang Christmas Station ID kung saan tampok si Dingdong Dantes kasama ang kanyang Descendants of the Sun - The Philippine Adaptation co-stars:

WATCH: GMA Christmas Station ID 2019: #LoveShines