Showbiz News

READ: Glaiza de Castro, Dingdong Dantes, at iba pang Kapuso celebrities, nominado sa 37th Luna Awards

Inilabas na ng Film Development Council of the Philippines ang listahan ng mga nominado sa ika-37 na Luna Awards.

Glaiza de Castro at Dingdong Dantes


Nominado bilang Best Actress ang Kapuso stars na sina Glaiza de Castro at Aiai Delas Alas, para sa kani-kanilang pelikulang 'Liway' at 'School Service.'

Nominado rin si Dingdong Dantes bilang Best Actor sa palabas na 'Sid & Aya.'

Apat na Kapuso naman ang maglalaban para sa Best Supporting Actress award. Nominado rito ang Prima Donnas star Aiko Melendez, Max Collins, Nova Villa, at Magkaagaw actress Sunshine Dizon.

Paparangalan din si Nova ng Manuel de Leon Award for Exemplary Achievements.

Tingnan ang buong listahan ng mga nominado:



Itinatag ang Luna Awards upang bigyang parangal ang mga pelikulang Pilipino. Itinuturing itong Philippine counterpart ng prestihiyosong Academy Awards, o mas kilala bilang Oscars.

Gaganapin ang 2019 Luna Awards Night sa November 30, sa Maybank Performing Arts Theater sa Bonifacio Global City sa Taguig.