advertisement
Showbiz News

Kilalanin ang 'Sunday PinaSaya' mainstay na si Lovely Abella

1 of 16

Lovely Abella

Pamilyar ba ang mukha ng Kapuso actress? Bago siya mapabilang sa ‘Sunday PinaSaya,’ kung saan-saang shows sumabak ang South Cotabato native.

2 of 16

Auditions

Maraming auditions na raw ang nasalihan ng dalaga, “Bata pa lang ako [ay] pumipila na ako kung [saan-saan] kasi gusto ko talaga maging artista. Humaharap na ako sa salamin para umarte.”

3 of 16

Kikay

Noong nakapasok siya ng showbiz, nagsimula si Lovely sa ‘Bitoy’s Funniest Videos’ bilang isa sa mga Kikays.

advertisement
4 of 16

Dancer

Pinalad ang baguhang aktres nang kunin siya ni game show master Willie Revillame bilang isa sa mga dancers ng kanyang dating show. Natuwa ang TV host sa salita nitong Ilonggo kaya nakasama siya sa U.S. tour nila by popular demand ng mga Visayan viewers.

5 of 16

Host

Natural ang comedic skills ng aktres kaya nakapag-host rin siya sa show ni Willie kasama sina Mariel Rodriguez at Cindy Miranda.

6 of 16

Benj Manalo

Sa parehong show niya nakilala ang kanyang boyfriend of two years na si Benj Manalo na isang theater actor na kasalukuyang gumaganap bilang Tolits ng ‘Rak of Aegis.’

advertisement
7 of 16

Carmela

Kaliwa’t kanan din ang kanyang pagiging extra sa mga Kapuso dramas. Dati niya pa pala nakilala ang kanyang ‘Sunday PinaSaya’ co-host na si Pambansang Bae Alden Richards sa ‘Carmela.’

8 of 16

Sunday PinaSaya

Nag-baliw-baliwan daw siya gamit ang kanyang likas na lenggwahe sa audition nito para sa Sunday noontime show kaya siya nabigyan ng roles sa segment bilang isang Ilongga. Big break ito para kay Lovely kaya “sobrang saya, sobrang iniingatan at minamahal” ang kanyang trabaho.

9 of 16

Family

Sa unang anibersaryo ng comedy-variety show, ipinakilala siya bilang isa sa mga bagong regular cast. Ang pagpapasaya ng mga tao at pati ang pagiging propesyonal sa kanyang mga katrabaho ang kanyang ma-i-offer sa show.

advertisement
10 of 16

Jose Manalo

Maliit ang mundo kasi co-host niya na rin ang kanyang soon-to-be father-in-law na tinatawag niyang “Daddy.” Ang komedyante raw ang nagsisilbing gabay niya sa show bukod sa iba nitong kasamahan.

11 of 16

Calle Siete

Dream come true para sa kanya ang mapabilang pa sa ibang shows ng http://ttp://www.gmanetwork.com/entertainment/gma/photos/2016-08-01/5446/63903/?ampCastKapuso network, “Matagal ko nang gustong ma-achieve [‘yung] mapabilang sa mga shows na hindi na dadaan lang.”

12 of 16

Conan, My Beautician

Katrabaho niya na rin ngayon pati sina Miss World 2013 Megan Young at ang mga aktor na sina Mark Herras at Rodjun Cruz. Pambihirang pagkakataon ito para sa kanya kaya “[hindi] po [talaga] ako nagpapakampante.”

advertisement
13 of 16

Ismol Family

Kada role na binibigay ay kanyang pinag-aaralan nang mabuti.

14 of 16

Business

Bukod sa showbiz commitments niya, iba’t ibang negosyo ang kanyang hinahawakan.

15 of 16

Family

May anak na sina Lovely at Benj sa kani-kanilang dating karelasyon ngunit sa iisang bubong na sila nakatira ngayon. Wala pa raw silang balak magpakasal dahil sa kanilang booming careers.

advertisement