Showbiz News

EXCLUSIVE: Kate Valdez, na-inspire sa isang batang tinapa vendor na nakasama niya sa Christmas Station ID

By Maine Aquino

Isang bagong experience para kay Kate Valdez ang ginanap na Christmas Station ID shoot ng GMA Network.


Ngayong taon ay nakasama ng Kapuso stars ang ilan sa ating mga kababayan na may viral stories sa social media.

Si Kate ay isa sa Kapuso stars na nakasama ni Lance, ang tinapa vendor na nagtatrabaho para maitaguyod ang kanyang pag-aaral at makabili ng gamot para sa kanyang ama.

#LoveShines: BTS photos of the 2019 GMA Christmas Station ID shoot

Kuwento ni Kate, "First time kong makasama sa ganitong Christmas station ID na mag-interact lalo na may na-feature na kababayan natin. Ang sarap sa pakiramdam na mabigyan ng opportunity na makainteract sila."

Dagdag pa ng Kapuso actress na natuto siya ng aral mula sa kuwento ni Lance. "I just feel blessed... mas natutulungan ako na mas maging mapagkumbaba pa sa mga natatamo kong blessings."

Iba umano ang tapang ni Lance kaya naman magsisilbing inspirasyon siya ni Kate.

"Na-inspire ako sa kanya kasi sobrang tapang niya. Isa na siya sa mga inspirasyon ko... bilib ako sa batang ito at his early age kasi nagsisikap siyang mataguyod ang pag-aaral niya. Sobrang proud ako sa kanya."




GMA Network's 2019 Christmas Station ID reaches 1 Million views on Facebook