Showbiz News

Ano ang mga plano ni Mark Anthony?

Who doesn't remember the Gwapings? Ito ang grupo na nag-launch kay Mark Anthony Fernandez as a teen heartthrob in the early '90s. And though Mark Anthony has been vocal in the past against sa isang reunion project, nag-iba na ang ihip ng hangin. Bakit? Alamin natin mula kay Mark Anthony! Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. Gwapings Reunion. Dire-diretso ang shows ni Mark Anthony Fernandez ngayon, proving that he is now very bankable as a leading man. Kaya naman hindi na kailangan ng gimik ni Mark Anthony para pag-usapan siyang muli. Ito ba ang reason kung bakit game na siyang magkaroon ng reunion project ang the Gwapings? "May nagbanggit sa akin, ‘magsama kayo ng Gwapings,’" kwento ni Mark Anthony. Ilang beses din daw nasabi sa kanya ang idea, "’pag sinabi sa akin, parang corny. Kahit sabihin mo kay Jomari [Yllana], ayaw din niya." Pero, the last two times daw na binanggit sa kanya ang idea, parang nagkaroon ng spark. "May laman. Pwede." Remember, back in the 1990s, isang popular group ang Gwapings na binubuo nina Mark Anthony, Jomari at Eric Fructoso. But Mark Anthony says na lagi daw lima ang members ng Gwapings. "Siguro, pwede namin gawin dito [sa GMA] -- dagdagan kami ng dalawang [talents] ng GMA. Ang Gwapings, laging lima ‘yun. Sana pumayag sila." Before any reunion kicks off, Mark Anthony has a suggestion, "Sana mapa-survey na rin nung mga tao, kung gusto ba nila o hindi." Politics. Papasok na ng politics ang All About Eve co-star ni Mark Anthony na si Alfred Vargas. Does he have similar plans? "Nasa…ilalim ako ng pakpak ni Leo Martinez. Nakikinig ako kay Leo," sagot ng aktor. Leo Martinez is one of the most vocal celebrities na against sa paghalo ng mundo ng showbiz at mundo ng pulitika. Movies. Habang sunud-sunod ang TV projects ni Mark Anthony, his movie career has taken a back seat. Huli natin siyang nakita sa Shake, Rattle and Roll more than two years ago. Dahil medyo exclusive ako ng GMA, inaalagan [nila] talaga ako," he notes with obvious gratitude. Since tuluy-tuloy ang shows niya, he explains, "Ang hirap ipasok sa schedule [ng movie]. Ayaw ko na ulit mag-lagare. Ang hirap!" Aside from taking its toll on him physically, takot rin si Mark Anthony na maging cause of delay ng either production kung sakaling pagsabayin niya ang kanyang TV show at shooting para sa isang pelikula. "Mapatagal 'yung taping dahil sa akin? Ayaw ko." He wants to focus on one thing at a time "para 100% nandoon ako." "Anytime naman ay pwedeng gawin [ang movie]," he ends. Though, he does admit na gusto na rin niyang magka-movie. At kung papipiliin siya, there's one particular movie character he could portray, ito ang sagot niya, "Imposible pero gusto ko Starzan!" Yes, the Starzan popularized by Joey de Leon! Komedyante pala ang next challenge na gustong harapin ni Mark Anthony! Akalain mo? As fans await his next project sa big screen, mapapanood si Mark Anthony as the romantic lead in All About Eve, every weeknight sa GMA Telebabad.