Showbiz News

Sanay na sa pagtataray si Arci Muñoz

Kilala natin siya bilang Annie sa "SRO Cinemaserye presents Ganti." And Arci Muñoz admits that she is getting used to playing a young kontrabida on TV. Text by Erick Mataverde. Photo by Mitch S. Mauricio. “[Si Annie] ay isang anak na handang ialay ang sarili para alagaan ang magulang na nagpalaki sa kanya, at hindi niya papayagan na mayroong manghahamak sa kanila. Sa gitna ng mga sigalot ng mga damadaming nagkakasakitan, isang anak ang handang gawin ang lahat para maisakatuparan ang kanyang ambisyon." Ito ang introduction sa katauhan na pino-portray ni Arci Muñoz sa Thursday night drama na SRO Sinemaserye.
"Dito po ako si Annie, ako ‘yung kapatid ni Geoff [Eigenmann] (who plays Kevin in the soap), pero magkaiba kami ng mother, ang mother ko si Ms. Daria Ramirez. At may malaking galit [ako] kay Kevin dahil feeling ko he betrayed us," ang kwento ni Arci nang kausapin ng iGMA.tv siya about the show. Hindi ba siya nag-aalala na madalas siyang magbigay-buhay sa mga character na maldita? "Ever since, after Starstruck, ang first role na ibinigay sa akin, maldita na so mas sanay na din ako. [At] saka pag bida kasi, iba din ang types ng bida pero mas exciting kapag kontrabida, [at] saka ikaw yung mananakit. Mahirap din 'yun," ang sagot niya. Although she has been part of the scene even before StarStuck, she still admits to being nervous whenever a new role comes her way, dahilan na din sa mga baguhan at beteranong mga co-stars niya. "Nung una, ayun intimidated ako kasi they are big stars. Kinakabahan ako kahit na hindi kami nagshu-shoot," inamin ni Arci. "Pero’yung kwentuhan kapag lunch breaks, ‘yun din ang masayang part. I always look forward na makasama sila sa taping. Masaya po ako pag ganun." Makipag-kwentuhan kay Arci tungkol saSRO Cinemaserye. Text ARCI [your message] and send to 4627 for all telcos. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines. Alamin kung ano pa ang pinaka-hottest issues sa showbiz by logging on to to the iGMAForums! Not yet a member? Register here!