Showbiz News

Ang huling laban nina Homer at Proserfina

Isa sa mga pinaka-iconic scenes in the history of Philippine cinema ang paglundag ni Proserphine from a 10-storey building sa ending ng 'Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.' Will the same ending befall Proserfina sa TV adaptation ng GMA? Or will true love still manage to save her? Malalaman na natin ngayong linggo. Text by Jason John S. Lim; Interviews by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio. When iGMA was able to catch Marian Rivera last week, may halong saya at lungkot ang bida ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Pero most of all she's very grateful sa lahat ng natanggap na feedback ng show, both positive at negative. "Maraming salamat sa walang-sawang pagsuporta, pagtutok, at panunood nila sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang," bungad ng dalaga. "Thank you sa kanila. [At] kahit na parating may sinasabing hindi maganda ang ratings, okay lang. "At least, nakapag-experiment ang GMA." Pero most of all, Marian is grateful that GMA gave her the chance na makapag-portray ng talagang ibang character sa mga ginampanan niya noon: "Lahat naranasan ko, hindi ako nag-stick sa pa-tweetums." Paano nga naman, simula pa lang ng programa, kakaiba na talaga agad ang pambulaga ng character ni Marian—aminin niyo 'yan. And siyempre, the show never held back sa sarili nitong memorable villains. Through Rado (Paolo Contis), naipakita nila kung hanggang saan ang kayang gawin ng pag-ibig ni Homer (Dingdong Dantes) para kay Prosefina (Marian Rivera). Pero hindi rin nag-hold back ang character ni Angelu de Leon na si Heleen. "Sobrang different talaga siya [in] how evil she can get," Angelu says. "'Yung mga things na naiisip niyang gawin, the things nanasasabi niya, it's totally different." Very memorable nga daw sa kanya ang character na 'to dahil todo acting lang siya throughout the show. Naging saksi ang marami sa lahat ng mga pinagdaanan ni Homer at Proserfina; nakita nila lahat ng schemes at plots na ginawa nina Rado at Heleen para sila ay paghiwalayin. Pero wala pa yan sa mga susunod na mangyayari. Alamin sa darating na linggo kung paanong paghihiganti ang gagawin ni Rado laban kina Homer at Proserfina. Tuluyan na bang makakatakas sina Homer sa kabaliwan ni Heleen, pagkatapos ng mga pangyayari noong Biyernes? Mahahanap pa ba ni Proserfina ang kanyang matagal nang nawawalang ina? At sa huling pagkakataon, magagawa bang i-prove nina Homer at Proserfina na true love really does conquer all? Or will death tear them apart? Marian teases, "Siyempre hindi pa rin papatalo [si Proserfina]. Palaban pa rin hanggang dulo." Malalaman na natin ang sagot, kaya don't miss Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang this week, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad.