Showbiz News

Dingdong Dantes assures fans that he will still do another project with Marian Rivera

Halos dalawang taon din ang naging pagsasama nina Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang magka-loveteam. Sa dalawang taon na ito pumasok ang tatlong primetime series nila na nagkasunod-sunod — Marimar, Dyesebel, at Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Nagkaroon din sila ng isang pelikula, ang One True Love (2008).
But all good things must come to an end. Huling linggo na ngayon ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Pagkatapos nito, ang tinaguriang "phenomenal loveteam" ay gagawa na muna ng kani-kanilang projects at wala pang kasiguraduhan kung kailan sila ulit mapapanood na magkasama sa isang proyekto. Dahil hindi na sila ang magkasama sa susunod nilang projects — si Marian ay gaganap na Darna sa pagbabalik nito sa telebisyon, samantalang wala pang balita kung ano ang gagawin ni Dingdong — emosyunal pareho sina Dingdong at Marian sa pagtatapos ng kanilang soap opera. Hindi naman ito itinanggi ni Dingdong nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng farewell party ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang sa SOP kahapon, April 26. Aniya, "It was a great experience! Kakaibang kaganapan. Hindi lang sa akin bilang artista kundi higit sa pagkatao ko. Very memorable talaga ang show na ito sa akin. Unang-una, yung role ko rito ay talagang kakaiba. Yung gustung-gusto kong gawin na may pagka-action ng kaunti, e, nagagawa ko kahit papaano dito. "At bukod dun, personally ay napamahal sa akin lahat ng kasama namin sa cast. Much more to that, yung samahan namin ni Marian, e, ito na yung parang significant ending namin. Ang daming reason para ito ay hindi makalimutan sa matagal na panahon." Malungkot ba siya na magtatapos na ang soap nila ni Marian? "Mixed, e," sagot ni Dingdong. "Oo, malungkot dahil sa lahat ng show na magtatapos, talagang nakakalungkot. Pero ang mas malungkot dun, yung dahilan na hindi muna kami magsasama ni Marian. Dahil yun, e, isang bagay na nakasanayan namin at ng mas maraming tao." No Regrets Kahit hindi kasing-taas ang rating na naabot ng Hinugot Sa Aking Tadyang kumpara sa dalawang nauna nilang primetime series—Marimar at Dyesebel—wala bang panghihinayang na ginawa nila ang show? "Wala," mabilis na sagot ni Dingdong. "Kami, in everything we do, we always give our best. Regardless, as long as we believe in the project. As long as naibibigay namin yung lahat ng kakayahan namin, masaya kami, kuntento kami dun." Hindi kaya sa material mismo ng Hinugot Sa Aking Tadyang, na medyo pang-matured audience, kaya hindi ito naging kasing lakas ng nauna nilang shows? "Naniniwala ako na meron kaming loyal viewers," sabi ni Dingdong. "Naniniwala ako na may mga taong sumubaybay at sa kanila ako naniniwala dahil tinangkilik nila yun." Kung nagkataon kayang mataas din ang rating ng kanilang huling soap, posible kayang sila pa rin ni Marian ang magkatambal sa susunod nilang project? "Tingin ko, hindi na rin," sagot niya. "Sa tingin ko ha, kasi marami pa rin namang project. Like si Marian, talagang nakalinya na yung Darna. At tamang-tama na para sa kanya. So, kung nagkataon man, baka hindi siya magiging ganoon. So, everything happens for a reason." How does he feel na si Marian ang napiling gumanap bilang Darna? "No one else can do it but her, para sa akin," tahasang pahayag ni Dingdong. -- PEP Maging updated kina Dingdong at Marian!Text DINGDONG [Your Message] or MARIAN [Your Message] Send to 4627 for all networks. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, TM, Smart, and Talk 'N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. This service is only available in the Philippines. Alamin kung ano pa ang pinaka-hottest issues sa showbiz by logging on to to the iGMAForums! Not yet a member? Register here!