Showbiz News

Rich Asuncion, mananatiling loyal sa GMA Network

By Maine Aquino

Muling pumirma si Rich Asuncion ng kontrata sa GMA Artist Center ngayong November 28.

Ayon kay Rich, patuloy siyang magiging loyal sa GMA Network.

Nagsimula siya sa GMA nang mapabilang sa StarStruck: The Next Level, kung saan kinilala siya bilang First Princess.

"I started with GMA through StarStruck, so homegrown talaga ako.

"I think I owe it to them to be loyal and to be here for as long as I can."


Nagpapasalamat din si Rich sa GMA dahil sa pagkakataong ibinigay sa kanya na mag-grow hindi lang ang kanyang career, kung hindi pati na rin ang kanyang personal na buhay.

"Kasi, noong nag-aaral ako before, naaalala ko na they really gave me the chance na bumalik sa school.

"Pina-prioritize rin nila 'yung makakabuti sa isang artista. Hindi lang sa pagiging aktres kung hindi 'yung personal din."

Dagdag pa niya, "That's what I really like about GMA, and I'm really thankful and I feel so lucky that they still get me."

Kuwento pa ni Rich ay blessing ang patuloy niyang pagganap sa iba't ibang roles na ibinibigay sa kanya.

"I feel so blessed na hindi nila ako nakakalimutan. I always try my best naman to perform the roles that are given to me."