
Nanawagan si Comedy Queen Aiai Delas Alas sa Instagram na itigil muna ang pambabatikos sa hosting ng Pilipinas sa 30th SEA Games.
Ipinost niya ang screenshot ng isang news report tungkol sa pahayag ni Senator Manny Pacquiao kaugnay sa mga aberya sa SEA Games na may headline na "Unite now and talk SEA Games woes later - Pacquiao."
Sinang-ayunan ito ni Aiai at nakiusap sa netizens na magkaisa para sa bansa, base sa kanyang caption.
"Tama, Senator," bungad ni Aiai.
Daing pa niya, "Parang awa n'yo na wala naman na munang nega.
"Enjoy natin ang SEA Games.
"Saka na kayo mag-away-away 'pag tapos na kasi para naman hindi nakakahiya sa mga bisita."
Sa hiwalay na post, ini-repost ni Aiai ang isang art card na may mga salitang "Sa kabila ng mga aberya, laban, Pilipinas!" para ipahayag ang kanyang suporta sa bansa.
Celebrities, reporters express frustration about 2019 SEA Games woes
PHISGOC member Chris Tiu appeals for unity amid 2019 SEA Games woes
Bernadette Reyes, bumuwelta sa basher ng kanyang 2019 SEA Games live report