Showbiz News

Jackie Rice celebrates birthday with fans

Last Sunday, Jackie Rice joined some of her GMA Artist Center peers nang mag-celebrate sila ng kanilang mga birthdays kasama ang fans sa Robinsons Metro East. Jackie tells us all about it, and what's in store for her 'Tadyang' character as well. Text by Jason John S. Lim; with Interviews by Jose Enrique Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio and Connie M. Tungul. GMA Artist Center, in cooperation with Robinsons Malls, brought the stars closer to their fans last Sunday, April 26! Limang celebrities ang nakasama ng mga fans sa Robinsons Metro East—sina Jackie Rice, Stef Prescott, Schinina Juban, Stephanie Henares, at Vaness del Moral. During the event, we asked Jackie kung ano ang feeling that she's spending her very special day with her fans. "Ayun, kasi 'yung mga fans ko, nami-meet ko lang sila through [the] Internet," explain sa amin ng dalaga. Kaya, according to her, excited na siyang ma-meet sila in person. "Sinabihan ko sila na, 'yun nga, merong [meet 'n greet]. Eh tutal, magbi-birthday ako, sana maging gift na rin nila sa akin ito. Kasi sobrang thankful ako [na] sinusuportahan nila ako. Pang-thank you [ko] lang, sana pumunta sila." And come they did. Dalawa nga sa kanila, nanggaling pa all the way from Laguna! Isang ecstatic Jackie ang bumalik sa likod ng activity center, after catching up with her fans. Sabi niya sa amin, "Masaya ako na nandyan sila—sobrang saya. Sabi ko, next time sana buong grupo na ng JackieLovers." Hindi kumanta or sumayaw si Jackie. Instead, she played a game with a fan. Jackie explains na nakikita naman daw siya ng mga tao na kumakanta at sumasayaw on TV. Besides, medyo masama raw ang pakiramdam niya at the time. Naka-chikahan naman daw niya ang ilan sa kanila, and that's what's important. Bago tuluyang umalis si Jackie to celebrate her birthday with her family naman, she didn't forget to promote the finale week of her show, Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Kaya naman we asked kung mayroon bang maiku-kuwento sa amin si Jackie tungkol dito. 'Yung aabangan sa akin, 'yung pilit pa rin kami ng asawa kong pinaghihiwalay," Jackie shares. Hindi pa rin daw tumitigil ang mom niyang si Hera (Carmi Martin) na gawin ang lahat para hiwalayan niya si Ruel (Kiel Rodriguez). "Kahit may asawa na [ako], iba [pa rin] 'yung pinu-push niya sa akin. "Hindi niya matanggap [si Ruel], so gumagawa siya talaga ng way." Magtatagumpay ba si Hera sa kanyang mga plano? Or will Cassandra, ang character ni Jackie Rice, prevail sa relationship niya with Ruel? Malalaman na natin kung gaano talaga katimbang ang tunay na pag-ibig. Wag nang palampasin hanggang next week Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Weeknights, pagkatapos ng Totoy Bato ni Carlo J. Caparas. Gusto mo bang maka-bonding pa nang tuluyan si Jackie? Just text JACKIE and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)