Showbiz News

Workshop sa GMA Artist Center, inumpisahan na

Ngayong summer, may basic acting workshop na sinalihan ang ating young Kapuso stars na sila Princess Violago, Ram Revilla, at Survivors Jace Flores and Kaye Alipio sa GMA Artist Center. What are the lessons na gusto nilang matutunan? Ito na ba ang start ng acting career nila bilang mga Kapuso? Malalaman natin yan straight from them. Text by Roxanne P. Reyes. Photos by Jason John S. Lim. Last April 22 ay bumisita ang iGMA sa acting workshop ng GMA Artist Center. Marvin Agustin was also present to give an inspiring talk and useful advice sa mga bagong Kapuso. Here are some of the reasons why Princess, Ram, Jace, and Kaye want to enter the world of showbiz. Princess Violago “Actually, nung una, parang tinry ko lang siya. Parang 'yung mga artista dati nung bata pa ako, ang ganda-ganda,” said the young and high-spirited Princess. Matatandaan na she was part of S Files before it became Showbiz Central. “Pinag-audition ako dito sa GMA tapos kinuha ako ng S Files as a host. Tapos after that, nagkaroon ako ng show sa QTV. Actually 'yung Posh, 'yun 'yung first show ko na parang nag-aarte-arte, ganyan.” Pero it was only after she took a leave from show business that she realized kung gaano niya ito kamahal: “Kasi noon feeling ko, mas gusto ko unahin 'yung studies ko, pero parang na-realize ko na mas love ko talaga 'yung acting. Na-realize ko na once lang naibibigay ni God [sa] buhay mo itong opportunity na ito, might as well grab it and make the most out of it.” Ram Revilla Nang makausap naman namin si Ram, very enthusiastic ang baguhang aktor sa kanyang pinasok na mundo: “Simula [nang] nag-start ako [sa workshop], everyday may bago; so bago matapos 'yung [session], parang gusto ko na naman mag-workshop. Kung puwede nga lang everyday mag-workshop, mag-woworkshop ako everyday, eh.” Being from a clan of veteran actors, Ram shares na binibigyan din siya ng advice ng kanyang pamilya: "Sinasabi nila sa akin na kailangan kapag may trabaho ka, kailangan lagi ka on time kasi kapag on time ka, iisipin sa iyo ng ibang tao na professional ka. Siyempre kapag alam nila na professional ka, mas hahanap-hanapin ka nila, eh. Hindi ka mahirap katrabaho.” Jace Flores Sa talk ni Marvin Agustin earlier, he told the aspiring actors to always know what their passion is at dapat matutunan nila how to be their character—and eventually leave that role din for a new one. He also suggested the use of an iPod or any music player para i-set 'yung mood at character na dapat i-portray. These tips Jace took to heart. “For me, it’s an opportunity to learn some more, expand what I know about the craft and like what Marvin said, it’s a place to make mistakes and correct them. About the character, being your character, and leaving the character. Kung Lucas ka dati (sa Luna Mystika), Lucas ka dati. Anton (sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang) ka naman ngayon. “Tsaka 'yung music, iPod, na sinasabi niya parang I know a lot who does that so I wanna try that next time.” Kaye Alipio “Dati pa kasi noong elementary pa ako, nag-eextra-extra na [ako] habang nag-aaral. Natuwa ako habang lumalaki [ako], feeling ko passion ko na and sa theater—lagi rin ako sa theater—parang gusto ko rin ma-explore. Before kasi, hindi ko alam ang pinagkaiba ng theater at TV, eh. Gusto ko matuto nang marami, actually hindi lang naman acting pero acting talaga. Dream ko na rin talaga before, pero mas marami pa akong gustong matutunan." Marami ngang naging revelations ang ating mga bagong Kapuso on why they want to be a part of the world of entertainment. Mukhang may bagong talents na naman na ipapakita at ihahandog ang GMA sa lahat ng Kapuso. Kaya abangan natin ang mga magiging shows nila Princess, Ram, Jace, at Kaye! But wait, hindi lang sila ang na-interview natin. Gusto ninyo malaman kung sinu-sino pa ang nag-woworkshop sa GMA Artist Center? Always keep logged in sa www.iGMA.tv to find out!