Showbiz News

'Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang' moments

Ngayong Biyernes na magtatapos ang ma-aksyon at ma-drama na "Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang." While fans hope and pray for another Marian Rivera-Dingdong Dantes project, cast members reveal naman kung ano ang kanilang nararamdaman. Text by Erick Mataverde. Interviews with Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio. iGMA.tv caught up with Marian and her co-stars to find out kung ano ang mami-miss nila as Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang concludes. Marian Rivera: Mami-miss ko siyempre unang-una si Dong. Sa usapan [kasi], hindi na daw kami magkasama, hindi na raw kami magka-partner so mahirap din para sa akin. Kasi two years kami nagkasama ‘tsaka siya lang ‘yung naging leading man ko na talaga doon ako nakilala. ‘Yun, at siya ang partner ko, so mahirap din para sa akin. Nakakalungkot din kasi lahat naman ng shows nagtatapos at kailangan tanggapin ‘yun, so i-accept lang talaga pero nakakalungkot kung nakakalungkot. Angelu de Leon: I guess the characters. Every character we’ll miss kasi nga lahat naman sila tumatak sa puso ng mga tao. Siyempre with every show that ends, ‘yun naman ‘yung naaalala [ng viewers]. Masama si Heleen, mga ganun di ba? Kasi wala siyang pagkapareho sa akin, and then sobrang different talaga siya on how evil she can get. ‘Yung mga things na naiisip niyang gawin, ‘yung mga nasasabi niya, it’s totally different so very memorable sa akin kasi parang ito yung show na um-acting lang talaga ako. Alyssa Alano: Yung kissing scene namin ni Paolo (Ballesteros)kasi first kissing scene ko ‘yun. Hindi naman torrid [pero] kapag sinabi mong kiss, siyempre kakabahan ka, di ba? Manginginig yung tuhod mo. Sobrang nagulat lang ako na may eksenang ganun kaya hindi ko makakalimutan. Mart Escudero: Ang dami! Ang kulitan kila Miss Uge (Eugene Domingo), kina Paolo (Ballesteros). ‘Tsaka lahat ng cast kasi rito halos kaibigan ko [na] ng matagal -- sina Prince (Estefan), Kevin (Santos). Lovi Poe: Siguro ganun talaga [na] kapag pa-ending, lalo kayo nagiging close. Mami-miss ko ‘yung buong cast na nakakasama ko kasi nakakapag-bonding na kami ngayon. Prince Stefan: Marami. So totoo lang, itong production na 'to, napakabait nila. Ito pa lang siguro 'yung show na nafi-feel ko na part ako ng show, na artistang-artista ako. Kasi 'yung mga show ko [dati], parang guest lang ako; hindi talaga ako main cast. Tapos ‘pag lumabas man ako, kakaunting eksena lang, minsan wala pang lines. Sa show na 'to, dito ko na na-feel na artista din pala ako. Jackie Rice: Dito lang ako nag-start sa simula at nagtapos ng buhay. Sana abangan nila. At sana magtuluy-tuloy pa rin kami ni Prince. Mami-miss ko actually lahat kasi dito ko nga na feel nga 'yung pagmamahal na hindi lang artista 'yung turing sa amin -- magkakapatid. Pare-pareho kami. Kahit puyat, nagdadamayan. As in! Sa dami ng kanilang pinagdaanan, it seems nakapag-bonding ang cast nang todo. Nakakalungkot man na matatapos na ang isa sa mga paboritong prime time dramas, it was obviously a memorable experience for the cast and of course, sa mga viewers na gabi-gabi ay sinubaybayan ang show. Don’t miss the final episode of Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang on May 1 sa GMA Telebabad! Kayo, anong ang mami-miss ninyo sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang? Discuss with other viewers by logging on to the iGMAForums! Not yet a member? Register here!