Showbiz News

'First time' ni Dennis sa Adik Sa 'Yo

Mapapanood na naman natin siya sa prime time, and this time, Dennis Trillo is more than happy na ma-involve sa isang panibagong project, as well sa panibagong leading lady in Jennica Garcia. At para sa kanya, isa na naman itong opportunity na mapalawak ang sarili bilang aktor. Text by Erick Mataverde. Photos by Jason John S. Lim.
During the recent photo shoot of GMA's upcoming prime time series, Adik Sa 'Yo, iGMA.tv got to chat with Dennis Trillo after his takes with new leading lady Jennica Garcia. "Okay naman siya, actually excited ako kasi eto ‘yung first time ko gumawa ng ganitong klaseng genre na light romantic comedy and, ayun, na-eexcite ako makakatrabaho ko dito si Jennica. Kami yung pair-up together," said Dennis of his new show. "And excited din ako makasama sila Marvin (Agustin) at Jolina (Magdangal), at siyempre si Direk Joel (Lamangan). First time ko siya makakatrabaho ulit after ng Blue Moon. Actually, ito ‘yung first time na gagawa kami ng TV series, kasi ‘yung mga past projects ko with him puro mga movies." Tinanong din namin kung ano ang magiging approach ni Dennis dito, as we are all used to seeing him in either dramatic or action roles. "Actually, oo, sobrang challenge kasi the past projects that I've done, medyo mabibigat—may drama, action,” he answered. "So ngayon, eto medyo light. Actually, medyo mahirap magpatawa. Sabi nga ni Direk Joel, mas madaling magpaiyak kaysa magpatawa ng tao, and challenge 'yon para sa 'kin, lalo na kasi nga first time kong gumawa ng ganito. "And [what's more], ako dito si Ruben, tapos mga Batangeño kami. Sa pamilya namin, ako lang 'yung lalaki, [andyan] 'yung nanay ko, lola, tapos dalawang kapatid and pamilya kami ng magtutuba. Ako, umaakyat ng buko, gano'n. Si Ruben, ano siya, [a] man of few words, pero since siya 'yung lalaki, responsible siya sa dun pamilya niya. Parang siya 'yung tumatayong padre de pamilya. 'Pag umiinom siya, dun niya nilalabas 'yung mga ano niya, kahit ano, kahit anong nangyari ilang years ago, nung mga bata pa siya, bigla niya lang naibubulalas lahat 'yon."
Kaya mas lalong interesting ang dating ng istorya ng Adik Sa'Yo as we would see Dennis portraying a role, which for him is off his beaten track: "Interesting 'yung character, and 'yung relationship namin ni Jennica nakakatawa din kasi para kaming soul mates, parang star-crossed lovers 'yung dating namin dito." Dennis also hints of scenarios involving flashbacks. "Marami siyang napapanaginipang mga eksena at dun sa mga eksenang 'yon may lalaki pero hindi niya sure kung sino 'yon. So eventually magkikita kami and ayon, magkakakilala and dun na iikot 'yung storya. Marami ng mangyayari. Dun na papasok sila Marvin, si Jolina and lahat-lahat," reveals Dennis. Kaya huwag palampasin ang pinakabagong prime time show na Adik Sa'Yo this month only on GMA Telebabad! Kamustahin si Dennis at makibalita sa kanyang bagong show Adik Sa'Yo! Text DENNIS [Your Message] or GOMMS (Wallpaper) Text GOMMS DENNIS and send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines. Pag-usapan ang pinaka-latest kay Dennis by logging in to the iGMAForums! Not yet a member? Register here!