
Nasungkit ni Agatha Wong sa ikalawang araw ng 2019 Southeast Asian Games (SEA Games) ang gintong medalya para sa women's division ng Wushu Taijiquan nitong Lunes, Disyembre 2.
"Hothletes" to watch for at the SEA Games 2019
Sa kabila ng mga paghihirap, mga pasa, at masakit na katawan, hindi ito ininda ni Agatha, 21, sa pag-asinta ng gintong medalya para sa Pilipinas.
Nanalo rin ng gintong medalya si Agatha sa 2017 SEA Games at bronze medal naman sa 2018 Asian Games. Pero sa kabila nito, ibinahagi niya na ibang iba ito sa unang sabak niya sa SEA Games noong 2015.
“I think I was second to the last or last place. Pero that didn't stop me kasi I know na I have a long way pa. Like looking at my competitors, alam ko na sobrang layo ng level ko pa,” sabi ni Agatha.
“I just kept on going,” dagdag pa niya.
Nakakuha si Agatha ng score na 9.67 sa barehand event ng Wushu na ginanap sa World Trade Center.
Matindi raw ang paghahanda ng Philippine Wushu team para sa SEA Games at umaasa silang mas makikilala ang naturang sport dahil sa kanilang tagumpay.
Panoorin ang buong report dito:
Bernadette Reyes, bumuwelta sa basher ng kanyang 2019 SEA Games live report