Showbiz News

WATCH: 'The Gift' star Jean Garcia, kinilig nang alalayan ni Stephen Baldwin sa premiere night ng 'Kaibigan'

By Aaron Brennt Eusebio

Hindi maitago ng aktres ng The Gift na si Jean Garcia ang kilig matapos siyang alalayan ng Hollywood star na si Stephen Baldwin sa premiere night pelikulang Kaibigan.

LOOK: Jean Garcia accompanied by Hollywood actor Stephen Baldwin for movie premiere

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Jean ang video kung saan makikitang inaalalayan siya ni Stephen.

"Eh 'yung alalayan ka ng isang Hollywood actor na itago po natin sa pangalang Stephen Baldwin, ayieeeee kilig po si Inday," sulat ni Jean sa caption.

"Thank you Stephen Baldwin!!!"

Pinagbibidahan ng mga beteranong aktor ng Pilipinas na sina Tirso Cruz III at Cesar Montano ang Kaibigan. Kabilang din sa cast sina Anjo Damiles, Boots Anson-Roa, Lani Mercado, at Christian at Jesse Perkins.

Mocha Uson to play journalist in Stephen Baldwin movie about illegal drugs