Showbiz News

SEA games gold medalist Carlos Yulo, nadismaya sa pang-iintriga ng netizens

By Nherz Almo

Ikinalungkot ng SEA Games gold medalist na si Carlos Yulo ang pagbibigay ng netizens ng ibang kulay sa tweet niya tungkol sa pagme-message sa kanya ni Mark Bautista.

Image Source: c_edrielzxs (TW)

Sa kanyang Twitter kanina, December 4, ibinahagi ni Carlos ang kanyang tuwa nang i-congratulate siya ni Mark sa pamamagitan ng direct message.

Sabi pa ng 19-year-old Pinoy gymnast, na baguhan sa Twitter, “Okay I'm shocked [shocked emoji] He messaged me and he followed me as well wtf?! [shocked and nervous emojis]”

Ang tweet ay umani ng iba't ibang reaksiyon mula sa kanyang follower.

Marami ang natuwa tulad ni Carlos sa ginawa ni Mark.

Sabi pa ng Twitter user na si @fdposa, “He's one of d millions u made proud kiddo! Dont be surprised, u deserve it!”

May ilan namang nang-intriga sa pagbibigay mensahe ng singer na si Mark.

Kaya naman ang ilang followers ni Carlos ang dinepensahan ang two-time SEA Games gold medalist.

Sabi ni Twitter user @PHIbulous514, “And what is really wrong about Mark following him and congratulating him? Do we really color it maliciously with sexual undertone? People could be really mean sometimes.”

Halos ganito ang naging reaksiyon ng Pinoy athlete sa negatibong komento ng netizens sa kanyang tweet.

Aniya, “It saddens me to see tweets about @iammarkbautista because of my tweet out of excitement. Kindness, message of encouragement and appreciation is not a sign of flirting. Let's focus on #SeaGames2019 and winning as One.”

Samantala, mapapansin sa social media posts ni Mark na hindi lamang si Carlos ang pinuri niya dahil sa mga panalong ibinigay para sa Pilipinas.

Sa isang post, sinabi ni Mark, “Congratulations to all our Pinoy athletes di biro ang pinagdaanan nyo. Mabuhay kayo!"


Sinubukan ng GMANetwork.com na humingi ng pahayag kay Mark tungkol isyung ito. Sa ngayon ay wala pa itong sagot sa aming mensahe sa kanya.

Gymnast Carlos Yulo admired online for gold-worthy performance at SEA Games and amazing body

"Hothletes" to watch for at the SEA Games 2019