Showbiz News

Abangan sina Baifern Pimchanok at Tao Sattaphong sa 'Wicked Angel'

Image Source: dailysia.com

Nagsama ang dalawang Thai superstars na sina Baifern Pimchanok (Beauty Boy, Suddenly It's Magic, Crazy Little Thing Called Love) at si Tao Sattaphong (Beauty Boy, Princess Hours, Mr. Merman) sa isang Thai drama na may kakaibang timpla.

Kilalanin ang babae na mala-anghel ang ganda, pero malupit sa pagiging boss. Isang executive producer si Angel (Baifern Pimchanok) sa film production company ng kaniyang ama. Maganda si Angel, pero malupit sa pagiging perfectionist kaya kinatatakutan ng mga empleyado niya. Hanggang sa dumating sa kanilang kompanya si Dominic (Tao Sattaphong), ang misteryoso at guwapo niyang secretary.

Makahanap na kaya si Angel ng katapat niya? Ano kaya ang lihim na plano ni Dominic kay Angel? Abangan sa Wicked Angel, soon!