Showbiz News

WATCH: Misis ni Matt Evans, kulong sa kasong estafa

By Dianara Alegre

Inaresto ang asawa ng aktor na si Matt Evans sa kasong estafa ngayong araw, Disyembre 5.

Sa bisa ng warrant of arrest, dinampot ng Makati police si Riza Katrina Evans.

Tatlumpung-libong piso ang inirekomendang piyansa kay Evans para sa pansamantala nitong paglaya.

Kasalukuyang nakakulong sa Makati Police Headquarters si Evans at wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ng akusado hinggil sa kaso.

Taong 2013 nang pakasalan ng aktor si Evans.

LOOK: Matt Evans's cute and beautiful daughters