Showbiz News

KMJS featured surfer, hinangaan sa pagiging 'SEA Games 2019 hero'

By Bianca Geli

Mula sa pagkaka-feature sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong October 2017 para sa kaniyang kakaibang love story, sa SEA Games na bida si Roger Casugay.

Nakuha ni Roger ang paghanga ng netizens matapos niyang iligtas ang kalaban sa SEA Games 2019 surfing match, ang Indonesian na si Arip Nurhidayat, nang maputol ang tali nito sa kaniyang surfing board at halos tangayin na ng alon.

Agad siyang niligtas ni Roger, na isinamantala muna ang kanilang laban para sa gold medal. Natigil pansamantala ang nasabing surfing competition.

Balikan ang istorya ni Roger sa KMJS: