GMA shows and personalities, kinilala sa 9th OFW Gawad Parangal
Published On: December 08, 2019, 09:05 PM
Updated On: December 09, 2019, 11:26 AM
Ilan sa inyong paboritong Kapuso artists at programs pinarangalan ng Kapisanan ng mga Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc. (KAKAMMPI) sa 9th OFW Gawad Parangal ngayong taon.
Kinilala ang One of the Baes stars na sina Rita Daniela at Ken Chan bilang Most Popular Love Team, sina Derek Ramsay at Andrea Torres bilang Best Actor at Best Actress for The Better Woman, at Kyline Alcantara bilang Most Promising Actress.
'Di rin pahuhuli ang Amazing Earth at Tadhana na pinarangalan bilang Best Documentary Show sa nasabing awards night.
Ginanap ang awarding ceremony ngayong gabi, December 8, sa Selah Pods Hotel.
Congratulations, mga Kapuso!