Showbiz News

WATCH: Filipino SEA Games medalists, pinarangalan sa 'Unang Hirit'

By Aaron Brennt Eusebio

Bumisita ang mga Pilipinong atleta na nag-uwi ng mga medalya mula sa 2019 SEA Games sa Unang Hirit kanina, December 9.

Binigyan ng Unang Hirit ng medalya ang mga miyembro ng men's beach volleyball team na sina Edmar Bonono, Jude Garcia, Jaron Requinton, at Jame Buytrago na nag-uwi ng bronze medal, ang kauna-unahang medalya ng Pilipinas sa men's beach volleyball.

Kasama rin ng beach volleyball team ang gold medalist para sa women's marathon na si Christine Hallasgo at ang gold medalist sa Wushu na si Agatha Wong.

Kasalukuyang nangunguna ang Pilipinas sa medal tally na mayroong 114 gold, 86 silver, at 91 bronze medals.