Showbiz News

Sanya Lopez, binalak na rin sumabak sa beauty pageants dati

By Gabby Reyes Libarios

Aminado si Sanya Lopez na minsan na rin niyang binalak na sumali sa beauty pageants at mag-train sa Aces & Queens, ang pageant training camp nina Miss World 2013 Megan Young, Miss International 2016 Kylie Verzosa, at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Sa kanyang panayam sa GMANetwork.com, ikinuwento ni Sanya na bagamat hindi siya fan ng beauty pageants, marami ang naghihikayat sa kanya na mag-try sumali, kahit noong bata pa siya.

“Lagi ako pinapasali, pinipilit nila ako, parang saling-pusa, gano'n. Pero nagiging fan na rin ako ngayon kasi 'yong mga kaibigan ko nagjojo-join sila ng pageant.

“Actually, before ako magkaroon ng Encantadia, nag-join ako sa Aces & Queens, kay Tito Jonas Gaffud. So nagtraining ako sa kanila. Ang maganda do'n, kung hindi pumasok 'yong pag-o-audition sa Enca, baka natuloy ako sa pageant, sa pagiging beauty queen.

“Kasi medyo siya na 'yong pinaghahandaan ko [noon].”

Ang kanyang interview ay naganap noong Noble Queen of the Universe coronation night sa Manila Hotel, kung saan isa si Sanya sa mga itinanghal na Most Prominent Women Empowerment Awardees.

Dito inamin din ni Sanya na sa tuwing nakakatanggap siya ng parangal, lalo na kung ito ay para sa kaniyang pagiging role model, nakakaramdam siya ng pressure.

“Partly yes, siguro hindi nawawala 'yon. Honestly, mas nadadagdagan 'yong pressure sa 'yo 'pag nabibigyan ka ng award kasi they expect more.

“Parang, kailangan maging perfect ka sa kanila kasi isa ka sa mga na-awardan. And yong may dapat kang patunayan sa kanila, mas galingan mo pa, mas baitan mo pa.

“Patunayan mo lang na karapat-dapat ka sa award na [natatanggap mo.]”

Sanya Lopez's Instagram is now two million strong!

WATCH: Sanya Lopez reveals fitness secrets that made her worthy of being Ginebra's calendar girl