WATCH: Alice Dixson looks back on her 'Okay Ka, Fairy Ko' days
Binalikan ni Alice Dixson ang isa sa pinaka-memorable shows na ginawa niya sa kanyang buong showbiz career.
TRIVIA: What happened to the stars of 'Okay Ka, Fairy Ko?'
Sa Instagram post ni Alice kahapon, December 10, ibinahagi niya ang isang video clip ng pilot episode ng popular fantasy-sitcom na Okay Ka, Fairy Ko, kung saan naging leading man niya ang Eat Bulaga pioneer na si Vic Sotto.
Nagbigay pa siya ng trivia, "We were the 1st sitcom to use green screen & production that perfected 'pop in pop out.'"
Marami namang netizens ang napa-throwback sa Instagram post ni Alice at sinabi nila na ang Okay Ka, Fairy Ko ang isa sa pinakapaborito nilang comedy shows of all-time.
Mapapanood din simula ngayong gabi, December 11, si Alice sa action-packed primetime series na Beautiful Justice, na pinagbibidahan nila Yasmien Kurdi, Bea Binene, Gabbi Garcia, Derrick Monasterio at Gil Cuerva.