Showbiz News

WATCH: 'The Gift' star Alden Richards, kumasa sa challenge ng isang Kapamilya star

By Aaron Brennt Eusebio

Nakatanggap ang Asia's Multimedia Star at 'The Gift' actor na si Alden Richards ng P170 mula kay Robi Domingo matapos nitong masagot nang tama ang tatlong katanungan ng Kapamilya host.

Sa latest vlog ni Robi, nagbigay siya ng tatlong 'trick questions' at nasagot lahat ito ni Alden.

Ang unang tanong, na nagkakahalaga ng P20, ay "Ilan ang 's' sa word na Mississippi?"

Ang ikalawang tanong naman, na nagkakahalaga ng P50, ay "Ilang 'T' ang meron sa salitang 'paparazzi'?"

Bago ang ikatlong tanong, na nagkakahalaga ng P100, pinasabi muna ni Robi kay Alden ang salitang "father" nang 15 beses.

Pagkatapos nito, tinanong ni Robi si Alden kung ano ang inggles ng salitang "pakpak."

Nakuha kaya ni Alden ang tamang sagot?

Panoorin:


Mapapanood rin si Alden sa The Gift, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Beautiful Justice.