Showbiz News

The comeback of Ram Revilla

We learned of his comeback when he signed with GMA Artist Center (GMAAC) February of this year. At recently, ating naabutan si Ram sa isang acting workshop at tinanong siya kung ano pa ang kanyang pinagkakaabalahan. Text by Erick Mataverde. Additional interview by Roxanne P. Reyes. Photo by Jason John S. Lim. Nang magkaroon ng pagkakataon kausapin ng iGMA.tv si Ram Revilla, we asked him about what he has learned thus far, coming from the prominent Revilla clan. And the questions veered from his father, Senator Ramon Revilla, Sr.'s political leanings and famous playboy image, to his equally famous brother, Ramon "Bong" Revilla, Jr. Alam naman natin that he took a short hiatus after appearing in Kamadag which aired from late 2007 to early 2008. Tinanong din namin siya, of course, tungkol sa kanyang love life, at kanyang sagot: "Naghahanap talaga ako ng totoong seseryosohin, gusto ko kasi 'yung may plano sa buhay. Sabi nga sa akin [ng daddy ko] eh huwag ko na siyang gagayahin, kaya every time bibisita ako sa kanya [tanong niya], 'Sino 'yung girlfriend mo?', ayaw niyang maniwalang wala! Actually, wala naman si daddy [na] tinuturo sa ligaw. Sinasagot ako siguro sa sariling diskarte ko. "Si kuya (Bong Revilla) laging advise nyan, iwas sa gulo, iwas sa away. [Dahil] sa pagiging lalaki ko, siyempre, hindi nawawala 'yung napapaaway ka, o may nang-aaway sa iyo. Eh sabi niya, 'Pagpasensyahan mo na 'yung tao, huwag mo nang papatulan'. 'Yan ang palagi niyang sinasabi sa akin." Tungkol sa politics naman, kanyang banggit, "Actually, marami pong nagsasabi sa akin na tumakbo ako sa lugar namin. Pag-iisipan ko kung talagang makakatulong ako at karapat-dapat." Si Ram din ay proud sa kanyang achievements as a sportsman—isa siyang accomplished practical shooter and has also been spar-boxing for a number of years now. "Actually, I have twelve trophies already [sa practical shooting]. Kasama ko po sila Sonny Parsons, sila Tito Eddie (Garcia). Ang kalaban ko sa celebrity edition [ay] si Sonny Parsons. Sport ko po talaga siya," kuwento ni Ram. At para maiwasan ang hindi magandang impression ng ganitong hobby, Ram confides na he also takes serious measures sa pagiging responsable ng mga gun owners who are also into the sport: "Ako din po 'yung vice-president ng gun club namin sa Paranaque. Naghihikayat po kami ng mga tao na sumali sa gun club, it's because kailangan mo matuto kung saan mo gagamitin, paano mo siya gagamitin. Kasi maraming may baril na hindi nila alam how to use it." Sa kanyang muling pagsabak sa showbiz, simple lang naman ang kanyang sinusundang prinsipyo, which he says he put into practice nang siya ay nasa Kamandag pa: "'Yun, sinasabi nila sa akin na kailangan kapag may trabaho ka, kailangan lagi ka on time kasi kapag on time ka, iisipin sa iyo ng ibang tao na professional ka. Siyempre kapag alam nila na professional ka, mas kumbaga hahanap-hanapin ka nila, eh. Kumbaga hindi ka mahirap katrabaho. Kilalanin at pag-usapan ang mga up-and-coming Kapuso Stars sa iGMAForums! Not yet a member? Register here!