Showbiz News

WATCH: Barbie Forteza at Jak Roberto, ano ang ginawa upang hindi magtalo sa Japan?

By Felix Ilaya

Lumipad ang Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto papuntang Japan upang ipagdiwang ang birthday ni Jak this December.

Bilang ito ang kanilang first ever out of the country vacation na sila lang ang magkasama, minabuti raw nina Barbie at Jak na mag-set ng rules upang hindi sila mag-away.

Kuwento ni Barbie, "Bago kami umalis, nagkaroon na kami ng rules. Kasi noong huli kaming Japan, lagi akong nagmamadali.

"Sabi niya, 'Hindi 'to trabaho, bakasyon 'to, relax ka lang.'

"So ngayon sabi niya, 'Mag-vo-vlog ako ha? 'Wag mo akong madaliin, ima-maximize ko talaga 'yung oras ko sa mga pupuntahan natin.'

"Ako naman, kasi ayoko nale-late so kunwari alis namin sa hotel ay 10 AM, sabi ko 'Hindi na kita ite-text ha? Basta 10 AM dapat nasa lobby ka na.' Handler?

"Basta bago kami umalis hinanda na namin sarili namin sa mga pwedeng mangyari para hindi kami sa Japan mag-away.

"Kinaya naman namin, may mga times na sobrang tagal niyang mag-vlog pero alam ko naman kasi na magiging maganda 'yung resulta so pinagbibigyan ko na lang. At saka isang beses lang naman kasi kami makakapunta doon 'di ba so sulitin na nga naman."

Mapapanood si Barbie Forteza sa remake ng 1985 film na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, soon on GMA.