Showbiz News

WATCH: Pasado ba kay Pokwang ang pagpatatawa ni 'Daddy's Gurl' star Maine Mendoza?

By Aedrianne Acar

Lalong nakilala ng comedienne na si Pokwang ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza sa kanilang Metro Manila Film Festival 2019 entry na Mission Unstapabol: The Don Identity.

Ano ang first impression ng SB19 kay Maine Mendoza nang magkatrabaho sila sa 'Daddy's Gurl?'

Bilang isa sa tinuturing na pinakamagaling na comediennes sa showbiz, tinanong ng GMANetwork.com si Pokwang sa grand media conference ng naturang pelikula kung ano ang masasabi niya sa comedy skills ni Maine.

Ayon sa Kapamilya talent, napansin niya ang pagiging natural ni Maine kapag may binibitawan siyang linya or punchline.

“Natural rin si Maine. May natural din siya, kasi siya hindi niya sinasabi ang galing-galing niya mag-comedy.

“Minsan nakikita mo nag-o-observe siya. Tapos 'pag may binitawan siya, bilang natural na natural lang 'yung bato.”

Watch Pokwang's full interview in the video below.