Showbiz News

WATCH: 'Totropahin o Jojowain' challenge ng 'Beautiful Justice' stars, patok sa netizens!

By Aedrianne Acar

Kinaaaliwan ngayon ng netizens ang patok na videos ng Beautiful Justice actors kung saan kumasa sila sa kuwelang challenge na "Totropahin o Jojowain" kung saan isa-isa silang nagbigay ng opinyon kung sino-sino sa mga kapwa nila celebrities ang “tropa” o “jowa” material.

Sa katunayan, viral hit na ang webisode ng mga Kapuso ladies na sina Yasmien Kurdi, Bea Binene, at Gabbi Garcia na may mahigit sa 1.4 million views na sa Facebook.

Samantala, ang version naman ng mga boys kung saan tampok sina Victor Neri, Derrick Monasterio at Gil Cuerva ay may mahigit sa 800,000 views na rin.

Kung hindi n'yo pa napanood mga Kapuso ang funny webisodes na ito, spread the good vibes by watching and sharing the "Totropahin o Jojowain" videos ng Beautiful Justice stars below.

WATCH: Ano ang masasabi ni Yasmien Kurdi sa pagpasok nina Alice Dixson at Sanya Lopez sa 'Beautiful Justice?'

WATCH: 'Beautiful Justice' ladies, sumabak sa 'Totropahin o Jojowain' challenge