Showbiz News

WATCH: Michael V, naka-chikahan ang 'Star Wars' cast sa Japan

By Dianara Alegre

Nabigyan ng pagkakataon si Kapuso comedy genius Michael V na makadalo sa press junket ng “Star Wars: The Rise of Skywalker” sa Tokyo, Japan, kamakailan.

Dumalo sa press junket ng inaabangang finale ng isa sa mga pinakasikat at pinakakilalang film franchise of all time, ang “Star Wars: The Rise of Skywalker.”

Disyembre 11 nang maganap ang event sa Ritz-Carlton Hotel sa Roponggi, Japan at doon ay nakausap ni Michael ang ilan sa cast ng pelikula na sina Daisy Ridley, John Boyega, Oscar Isaac, at Anthony Daniels.

Kasama rin sa interview ang direktor, writer at producer na si J.J. Abrams at ang presidente ng Lucas film na si Kathleen Kennedy.

Mapapanood ang “Star Wars: The Rise of Skywalker” sa Disyembre 20 sa mga sinehan nationwide.

Panooring ang 24 Oras report dito:

Michael V. spends 50th birthday in Hollywood; catches premiere of new 'Star Wars' flick

READ: Michael V. has an unusual request on his birthday month